Mga Awit 42:1-11

Sa direktor. Maskil* ng mga anak ni Kora.+ 42  Gaya ng usa na nananabik sa mga batis,Gayon ako nananabik sa iyo, O Diyos.   Nauuhaw ako sa Diyos, sa Diyos na buháy.+ Kailan ako maaaring pumunta at humarap sa Diyos?+   Ang mga luha ko ang naging pagkain ko araw at gabi;Buong araw akong tinutuya ng mga tao: “Nasaan ang Diyos mo?”+   Ibinubuhos ko ang laman ng puso ko kapag naaalaala ko ang mga bagay na ito:Lumalakad ako noon na kasama ng karamihan;Taimtim* akong lumalakad sa unahan nila papunta sa bahay ng Diyos,At maririnig ang pagsasaya at pagpapasalamatNg maraming taong nagdiriwang ng kapistahan.+   Bakit napakalungkot ko?+ Bakit naghihirap ang kalooban ko? Maghihintay ako sa Diyos,+Dahil pupurihin ko pa siya bilang aking Dakilang Tagapagligtas.+   O Diyos ko, napakalungkot ko.+ Kaya inaalaala kita,+Mula sa lupain ng Jordan at sa mga tuktok ng Hermon,Mula sa Bundok Mizar.*   Sa lagaslas ng iyong mga talonAy tumatawag ang malalim na katubigan sa malalim na katubigan. Natabunan ako ng lahat ng dumadaluyong mong alon.+   Sa araw ay ipapakita sa akin ni Jehova ang kaniyang tapat na pag-ibig,At sa gabi ay aawit ako tungkol sa kaniya—isang panalangin sa Diyos ng aking buhay.+   Sasabihin ko sa Diyos, na aking malaking bato: “Bakit mo ako kinalimutan?+ Bakit kailangan kong maglakad nang malungkot dahil sa pagpapahirap ng kaaway ko?”+ 10  Tinutuya ako ng mga kaaway ko nang may matinding pagkapoot;*Buong araw nila akong tinutuya: “Nasaan ang Diyos mo?”+ 11  Bakit napakalungkot ko? Bakit naghihirap ang kalooban ko? Maghihintay ako sa Diyos,+Dahil pupurihin ko pa siya bilang aking Dakilang Tagapagligtas at aking Diyos.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “Dahan-dahan.”
O “sa maliit na bundok.”
O posibleng “na parang dinudurog ang mga buto ko.”

Study Notes

Media