Mga Awit 54:1-7

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Maskil.* Awit ni David noong dumating ang mga Zipeo at sabihin nila kay Saul: “Doon sa amin nagtatago si David.”+ 54  O Diyos, iligtas mo ako sa pamamagitan ng pangalan mo,+At ipagtanggol mo ako*+ sa pamamagitan ng kapangyarihan mo.   O Diyos, dinggin mo ang panalangin ko;+Pakinggan mo ang pananalita ng aking bibig.   Dahil sinasalakay ako ng mga estranghero,At gusto akong patayin ng mga taong malulupit.+ Hindi nila kinikilala ang Diyos.+ (Selah)   Ang Diyos ang tumutulong sa akin;+Si Jehova ay kasama ng mga sumusuporta sa akin.   Ibabalik niya sa mga kalaban ko+ ang sarili nilang kasamaan;Alang-alang sa iyong katapatan, lipulin* mo sila.+   Buong puso akong maghahandog sa iyo.+ Pupurihin ko ang pangalan mo, O Jehova, dahil ito ay mabuti.+   Dahil inililigtas niya ako mula sa bawat pagdurusa,+At pagmamasdan ko ang pagkatalo ng mga kaaway ko.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “ipaglaban mo ang usapin ko.”
Lit., “patahimikin.”

Study Notes

Media