SETYEMBRE 4, 2023
BURUNDI

Ini-release ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Wikang Kirundi

Ini-release ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Wikang Kirundi

Noong Agosto 25, 2023, ini-release ni Brother Kenneth Cook, Jr., isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Kirundi. Ini-release ang Bibliya sa programa ng “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Bujumbura, Burundi. Ang kabuoang bilang ng mga dumalo at ng mga nanood online sa 11 lokasyon sa teritoryo ng sangay ay 15,084. Tumanggap ng inimprentang kopya ng Bibliya ang mga nakadalo. Available na rin ang electronic format nito.

Mga 13 milyong tao ang nagsasalita ng Kirundi sa Burundi. Naitatag ang unang kongregasyong nagsasalita ng wikang ito noong 1969. Nagsimula naman noong 1985 ang pagsasalin ng mga Saksi ni Jehova ng mga publikasyon sa Kirundi. Ngayon, mahigit 16,900 kapatid ang naglilingkod sa 350 kongregasyon na nagsasalita ng Kirundi sa buong Burundi. Noong 2007, masayang tinanggap ng mga kapatid ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Masaya rin sila nang matanggap nila ang kumpletong nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

Sa wikang Kirundi, ginamit ang ekspresyong “walang-kapantay na kabaitan” para mas maitampok ang pagiging bukas-palad ni Jehova. Masaya tayo para sa mga kapatid natin at sa marami pang iba na makikinabang sa “walang-kapantay na kabaitan” ni Jehova gamit ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kirundi.—Tito 2:11.