Liham kay Tito 2:1-15

2  Gayunman, patuloy kang magsalita ayon sa kapaki-pakinabang* na turo.+  Ang matatandang lalaki ay dapat na may kontrol sa kanilang paggawi,* seryoso, may matinong pag-iisip, matibay ang pananampalataya, sagana sa pag-ibig, at nagtitiis.  Sa katulad na paraan, ang matatandang babae ay dapat gumawi nang kagalang-galang,* hindi naninirang-puri, hindi naglalasing,* at mga guro ng kabutihan,  para mapayuhan* nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa, mahalin ang kanilang mga anak,  magkaroon ng matinong pag-iisip, maging malinis, masipag sa gawaing-bahay,* mabuti, at nagpapasakop sa kanilang asawa,+ nang sa gayon, ang salita ng Diyos ay hindi mapagsalitaan ng masama.  Gayundin, patuloy mong himukin ang mga nakababatang lalaki na magkaroon ng matinong pag-iisip,+  at maging halimbawa ka sa kanila sa paggawa ng mabuti sa lahat ng bagay. Maging tapat* ka at seryoso sa iyong pagtuturo,+  na gumagamit ng angkop* na pananalita na hindi mapipintasan ng iba,+ nang sa gayon, mapahiya ang mga kumakalaban at wala silang masabing negatibo* tungkol sa atin.+  Ang mga alipin ay dapat magpasakop sa kanilang mga panginoon* sa lahat ng bagay,+ na sinisikap palugdan ang mga ito at hindi sinasagot nang palaban 10  at hindi ninanakawan,+ kundi ipinapakita nilang talagang mapagkakatiwalaan sila, nang sa gayon, lagi silang magdulot ng papuri sa turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos.+ 11  Dahil ang walang-kapantay na kabaitan ng Diyos ay nahayag na at nagliligtas sa lahat ng uri ng tao.+ 12  Sinasanay tayo nito na itakwil ang di-makadiyos na paggawi at makasanlibutang mga pagnanasa+ at mamuhay nang may katinuan ng pag-iisip, katuwiran, at makadiyos na debosyon sa gitna ng sistemang* ito,+ 13  habang hinihintay natin ang kamangha-manghang pag-asa*+ at ang maluwalhating paghahayag ng dakilang Diyos at ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Kristo, 14  na nagbigay ng sarili niya+ para mapalaya* tayo+ sa lahat ng uri ng kasamaan at para dalisayin ang isang bayan na espesyal niyang pag-aari at buong pusong gumagawa* ng mabuti.+ 15  Patuloy mong ituro ang mga bagay na ito, at patuloy kang magpayo* at sumaway ayon sa awtoridad na ipinagkaloob sa iyo.+ Hindi ka dapat hamakin ng sinuman.

Talababa

Lit., “nakapagpapalusog.”
O “na katamtaman ang pag-uugali.”
O “nang angkop sa mga banal.”
Lit., “hindi nagpapaalipin sa maraming alak.”
O “mapaalalahanan; masanay.”
O “maasikaso sa bahay.”
O posibleng “taimtim.”
Lit., “nakapagpapalusog.” O “kapaki-pakinabang.”
O “masama.”
O “sa mga may-ari sa kanila.”
O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”
O “ang pag-asang nagpapasaya sa atin.”
Lit., “matubos.”
O “at masigasig sa paggawa.”
O “magpatibay.”

Study Notes

Media

Trabaho ng Isang Alipin
Trabaho ng Isang Alipin

Sa Imperyo ng Roma, karaniwan lang ang pagkakaroon ng alipin at pagiging alipin. May mga batas ang Roma para sa mga alipin at panginoon nila. Mga alipin ang gumagawa ng karamihan sa trabaho sa bahay ng mayayamang pamilya sa teritoryo ng Imperyo ng Roma. Ang mga alipin ay nagluluto, naglilinis, at nag-aalaga ng mga bata. Ang iba ay nagtatrabaho sa mga pagawaan, minahan, o bukid. Ang mga nakapag-aral na alipin ay naglilingkod bilang mga doktor, guro, o sekretarya. Ang totoo, puwedeng gawin ng mga alipin ang kahit anong trabaho, maliban sa pagsusundalo. Sa ilang pagkakataon, puwedeng mapalaya ang mga alipin. (Tingnan sa Glosari, “Malaya; Pinalaya.”) Hindi kinakalaban ng mga Kristiyano noong unang siglo ang batas ng gobyerno para sa mga alipin, at hindi rin nila pinapasigla ang mga alipin na mag-alsa. (1Co 7:21) Iginagalang ng mga Kristiyano noon ang legal na karapatan ng iba, kasama na ang mga kapuwa nila Kristiyano, na magkaroon ng alipin. Kaya pinabalik ni apostol Pablo ang aliping si Onesimo sa panginoon niya, si Filemon. Dahil isa nang Kristiyano si Onesimo, bukal sa puso siyang bumalik sa panginoon niya na Kristiyano rin at nagpasakop dito bilang alipin. (Flm 10-17) Pinayuhan ni Pablo ang mga alipin na maging tapat at masipag sa trabaho.—Tit 2:9, 10.