Mas Gusto Niya Ito Kaysa sa Anumang Laruan
Mas Gusto Niya Ito Kaysa sa Anumang Laruan
Mas pipiliin ba ng mga batang paslit ang isang aklat kaysa sa mga laruan? Oo, kung mula pa sa pagkasanggol ay binabasahan na sila ng kanilang mga magulang. Mula nang mailabas ng ospital at maiuwi ng bahay ang bagong-silang na sanggol ng mag-asawang sina Mebrahtu at Angela na taga-California, E.U.A., binabasahan na nila ito mula sa aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro.
“Dahil diyan,” ang sulat ng mga magulang, “gustung-gusto niya ang aklat na Guro. Sa gulang na isang taon pa lamang, siya na mismo ang nagsasabi sa amin na basahin namin sa kaniya ang tinatawag niyang aklat ni Jesus. Tatlong taon na ngayon si Julianna at pinananabikan niya ang pagbabasa namin araw-araw. Hindi kalabisang sabihin na mas gusto ng aming anak na babae ang aklat na ito kaysa sa anumang laruan. Ang mga larawan at ilustrasyon ay mabisang mga pantulong sa pagtuturo. Kaming mga magulang niya ay marami ring natututuhan dito.”
Makahihiling ka ng isang kopya ng aklat na ito na may 256 na pahina, magagandang larawan, at kasinlaki ng pahina ng magasing ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.