“Hindi Pa Ako Kailanman Nakabasa ng Ganitong Aklat”

“Hindi Pa Ako Kailanman Nakabasa ng Ganitong Aklat”

“Hindi Pa Ako Kailanman Nakabasa ng Ganitong Aklat”

Wiling-wili ang kabataang si Łukasz, na nakatira malapit sa Szczecinek sa gawing hilaga ng Poland, sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Kaya ipinasiya niyang dalhin ito sa paaralan at ibigay ito sa kaniyang guro sa physics. Itinawag-pansin niya sa kaniyang guro ang impormasyon tungkol sa sansinukob. Ipinakita niya rito ang ilustrasyon sa pahina 78 (na makikita rito). Itinatampok nito ang mga alternatibong opinyon may kinalaman sa pinagmulan ng sansinukob, na maaari mo ring pag-isipan.

Nang maglaon ay sinabi ng guro kay Łukasz: “Hindi pa ako kailanman nakabasa ng ganitong aklat. Ipinaliliwanag nito ang masalimuot na makasiyensiyang impormasyon nang napakaikli at sa gayong payak at makatuwirang paraan! Kung mas maaga kong natanggap ang aklat, hindi ko na sana binili ang pinakabagong manwal sa physics para sa haiskul. Tiyak na gagamitin ko ito sa aking mga klase.”

Bunga ng pagbabasa sa Is There a Creator Who Cares About You? marami ang napakilos na mag-isip nang higit pa tungkol sa pinagmulan at layunin ng buhay gayundin kung paano tayo napunta rito. At, higit na mahalaga, marami ang natulungan na marating ang may-kabatirang mga konklusyon.

Maaari ka ring humiling ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito kung iyong pupunan ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na inilaan o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Lines sa pahina 32]

Sa kagandahang-loob ng Anglo-Australian Observatory, kuha ni David Malin

“Pillars of Creation” sa pabalat ng aklat: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA