Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tulungan ang Inyong Pamilya na Alalahanin si Jehova

Tulungan ang Inyong Pamilya na Alalahanin si Jehova

Inatasan si Jeremias na babalaan ang mga Judio tungkol sa nalalapit na pagkawasak dahil nakalimutan nila ang kanilang Diyos, si Jehova. (Jer 13:25) Paano naging ganito ang espirituwal na kalagayan ng bansa? Napabayaan ng mga pamilyang Israelita ang kanilang espirituwalidad. Maliwanag na hindi sinunod ng mga ulo ng pamilya ang utos ni Jehova sa Deuteronomio 6:5-7.

Ang pamilyang matibay sa espirituwal ay nakatutulong para tumatag ang ating kongregasyon sa ngayon. Matutulungan ng mga ulo ng pamilya ang kanilang sambahayan na hindi makalimutan si Jehova sa pamamagitan ng regular at makabuluhang Pampamilyang Pagsamba. (Aw 22:27) Matapos mapanood ang video na ‘Ang mga Salitang Ito ay Dapat na Nasa Iyong Puso’—Interbyu sa mga Pamilya, sagutin ang sumusunod na mga tanong:

  • Paano matagumpay na hinarap ng ilang pamilya ang mga hamon sa pagkakaroon ng pampamilyang pagsamba?

  • Ano ang ilang pagpapala sa pagkakaroon ng regular at makabuluhang Pampamilyang Pagsamba?

  • Pagdating sa pampamilyang pagsamba, anong hamon ang kinakaharap ko, at paano ko ito sosolusyunan?