Daniel 12:1-13
12 “At sa panahong iyon ay tatayo si Miguel,+ ang dakilang prinsipe+ na nakatayo+ alang-alang sa mga anak ng iyong bayan.+ At magkakaroon nga ng isang panahon ng kabagabagan na hindi pa nangyayari magbuhat nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon.+ At sa panahong iyon ay makatatakas ang iyong bayan,+ ang bawat isa na masumpungang nakasulat sa aklat.+
2 At marami sa mga natutulog sa lupang alabok ang magigising,+ ang mga ito tungo sa buhay na namamalagi nang walang takda+ at ang mga iyon tungo sa kadustaan at tungo sa pagkamuhi na namamalagi nang walang takda.+
3 “At silang may kaunawaan ay sisikat na gaya ng ningning ng kalawakan;+ at silang nagdadala ng marami tungo sa katuwiran,+ tulad ng mga bituin hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.
4 “At kung tungkol sa iyo, O Daniel, ilihim mo ang mga salita at tatakan mo ang aklat,+ hanggang sa panahon ng kawakasan.+ Marami ang magpaparoo’t parito, at ang tunay na kaalaman ay sasagana.”+
5 At nakita ko, akong si Daniel, at, narito! may dalawa pang nakatayo,+ ang isa ay sa pampang ng ilog sa dako rito at ang isa ay sa pampang ng ilog sa dako roon.+
6 At ang isa ay nagsabi sa lalaking nadaramtan ng lino,+ na nasa ibabaw ng tubig ng ilog: “Hanggang kailan pa ang kawakasan ng mga kamangha-manghang bagay?”+
7 At narinig ko ang lalaking nadaramtan ng lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, habang itinataas niya ang kaniyang kanang kamay at ang kaniyang kaliwang kamay sa langit at sumusumpa+ sa pamamagitan ng Isa na buháy sa panahong walang takda:+ “Iyon ay magiging sa isang takdang panahon, mga takdang panahon at kalahati.+ At kapag natapos na ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan,+ ang lahat ng bagay na ito ay darating sa kanilang katapusan.”
8 Sa ganang akin naman, narinig ko, ngunit hindi ko maunawaan;+ kaya sinabi ko: “O panginoon ko, ano ang magiging huling bahagi ng mga bagay na ito?”+
9 At sinabi niya: “Yumaon ka, Daniel, sapagkat ang mga salita ay inilihim at tinatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.+
10 Marami ang maglilinis ng kanilang sarili+ at magpapaputi ng kanilang sarili+ at mapadadalisay.+ At ang mga balakyot ay tiyak na gagawi nang may kabalakyutan,+ at walang sinumang balakyot ang makauunawa;+ ngunit silang may kaunawaan ay makauunawa.+
11 “At mula sa panahon na ang palagiang handog+ ay alisin+ at maganap ang paglalagay ng kasuklam-suklam na bagay+ na sanhi ng pagkatiwangwang, magkakaroon ng isang libo dalawang daan at siyamnapung araw.
12 “Maligaya+ siya na patuloy na naghihintay at darating sa isang libo tatlong daan tatlumpu’t limang araw!
13 “At ikaw naman, yumaon ka patungo sa kawakasan;+ at magpapahinga ka,+ ngunit tatayo ka para sa iyong kahinatnan sa kawakasan ng mga araw.”+