Halika Maging Tagasunod Kita

Ang layunin ng aklat na ito ay hindi para magbigay ng kumpletong sumaryo ng buhay at ministeryo ni Jesus, kundi para tulungan tayong makita nang mas malinaw kung paano siya susundan.

Paunang Salita

Mas mahalin mo sana si Jesus at sundan siyang mabuti para mapasaya mo si Jehova ngayon at magpakailanman.

KABANATA 1

“Maging Tagasunod Kita”—Ano ang Ibig Sabihin ni Jesus?

Ang pagsunod kay Jesus ay higit pa kaysa sa salita lang at damdamin.

KABANATA 2

“Ang Daan at ang Katotohanan at ang Buhay”

Magiging posible ang paglapit sa Ama sa pamamagitan lang ng Anak. Mahalaga ang papel ni Jesus para matupad ang layunin ng Diyos sa buong uniberso.

KABANATA 3

“Ako ay . . . Mapagpakumbaba”

Makikita ang kapakumbabaan ni Jesus mula sa simula hanggang wakas ng kaniyang ministeryo sa lupa.

KABANATA 4

“Ang Leon Mula sa Tribo ni Juda”

Nagpakita ng tulad-leong lakas ng loob si Jesus sa tatlong paraan: nang ipagtanggol niya ang katotohanan, nang itaguyod niya ang katarungan, at nang mapaharap siya sa pag-uusig.

KABANATA 5

Nasa Kaniya ang “Lahat ng Karunungan”

Nagpakita si Jesus ng karunungan sa salita at gawa.

KABANATA 6

“Natuto Siyang Maging Masunurin”

Perpekto na si Jesus at laging sumusunod sa kaniyang Ama, bakit masasabing ‘natuto siyang maging masunurin at perpekto’?

KABANATA 7

“Isipin Ninyong Mabuti ang Isa na Nagtiis”

Napakaganda ng halimbawa ni Jesus sa pagtitiis. Ano ang nakatulong sa kaniya? Paano natin siya matutularan?

KABANATA 8

“Isinugo Ako Para Dito”

Tingnan kung bakit nangaral si Jesus, ano ang ipinangaral niya, at ano ang saloobin niya sa atas niya dito sa lupa.

KABANATA 9

“Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”

Kapag sinunod ng isa ang utos na gumawa ng mga alagad, tunay na tagasunod siya ng Kristo.

KABANATA 10

“Nasusulat”

Matutularan natin ang halimbawa ni Jesus sa pagtuturo kung sisipi tayo mula sa Salita ng Diyos, ipagtatanggol ito, at ipapaliwanag.

KABANATA 11

“Wala Pang Sinuman ang Nakapagsalita Nang Tulad Niya”

Tingnan ang tatlong paraan na ginamit ni Jesus sa pagtuturo at kung paano natin ito matutularan.

KABANATA 12

“Hindi Siya Nagtuturo sa Kanila Nang Walang Ilustrasyon”

May dalawang mahalagang dahilan kung bakit gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon.

KABANATA 13

“Iniibig Ko ang Ama”

Paano natin matutularan ang pagkakaroon ng pag-ibig ni Jesus kay Jehova?

KABANATA 14

“Maraming Tao ang Lumapit sa Kaniya”

Maraming tao, pati na ang mga bata, ang hindi nagdalawang-isip na lumapit kay Jesus. Bakit madaling lapitan si Jesus?

KABANATA 15

“Dahil sa Awa”

Bakit mahalagang tularan natin si Jesus sa pagpapakita ng awa?

KABANATA 16

“Patuloy Niya Silang Inibig Hanggang sa Wakas”

Sa buong ministeryo ni Jesus, pinatunayan niyang mahal niya ang mga alagad niya. Paano natin siya matutularan sa pakikitungo sa iba?

KABANATA 17

‘Walang Pag-ibig na Hihigit Pa sa Pag-ibig Niya’

Paano natin matutularan ang mapagsakripisyong pag-ibig ni Jesus?

KABANATA 18

“Patuloy Kang Sumunod sa Akin”

Kapag patuloy tayong sumusunod kay Jesus araw-araw, magiging malinis ang konsensiya natin at magkakaroon tayo ng magandang pag-asa sa hinaharap.