Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Mga Gawa ng mga Saksi ni Jehova sa Modernong Panahon

Russia

Ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa Russia ay isang ulat ng pananampalataya at lakas ng loob, isang kuwento ng walang-maliw na katapatan sa Diyos sa harap ng malupit at walang-tigil na pagsalansang. Pagkatapon, pagkabilanggo, puwersahang pagtatrabaho—walang makapipigil sa mga Saksi o makapagpapahina sa kanilang sigasig.

Ang kasaysayang ito ay hindi dapat ikalungkot. Inaasahan na ng mga sumasampalataya kay Jehova na sila’y pag-uusigin. Hindi nila kinaawaan ang kanilang sarili kundi itinuring nila ang kanilang sinapit bilang isang magandang pagkakataon para patunayan ang kanilang katapatan sa Diyos. “Nang basahin ang sentensiya sa amin,” ang sabi ng isang brother, “tuwang-tuwa ako dahil walang isa man sa aking mga estudyante sa Bibliya ang nasindak. Silang apat ay sinentensiyahang magdusa nang tig-25 taon sa mga kampo. Mas mabigat ang sentensiya sa akin . . . Huminto kami para magpasalamat kay Jehova dahil sa pag-alalay niya sa amin. Takang-taka ang mga guwardiya kung bakit masasaya pa rin kami.”

Basahin ang tungkol sa isang batang babaing nakaalam ng katotohanan mula sa mga liham na itinali sa mga batong inihahagis sa kabilang bakod ng bilangguan. Alamin kung paano nakapanatiling malakas sa espirituwal ang mga ibinilanggo. Tingnan kung ano ang nangyari nang paratangan ang mga magulang na Saksi na tinagpas daw ng mga ito ang tainga ng kanilang anak na babae.

Ang pagbabawal na tumagal nang ilang dekada ay bahagi lamang ng kuwento. Sa nakalipas na 20 taon, napakalaki ng pagsulong sa bilang ng mga Saksi sa napakalawak na lupaing ito. Tingnan kung paano hinarap at napagtagumpayan ng mga kapatid ang mga panibagong hamon may kaugnayan naman sa kahanga-hangang pagsulong na ito. Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1975, nalulugod kaming iukol ang buong seksiyon ng Taunang Aklat hinggil sa kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova, sa isang bansa lamang—ang Russia.