Pumunta sa nilalaman

Sina Brother at Sister Oniszczuk, nang magkita sila sa Kirov Regional Court

SETYEMBRE 6, 2019
RUSSIA

Pinalaya Na si Brother Andrzej Oniszczuk Matapos ang 11 Buwan sa Bartolina

Pinalaya Na si Brother Andrzej Oniszczuk Matapos ang 11 Buwan sa Bartolina

Noong Setyembre 3, 2019, pinalaya na si Brother Andrzej Oniszczuk sa isang bilangguan sa Russia. Nakulong siya noong Oktubre 9, 2018 dahil sa pagsamba kay Jehova. Ibinartolina siya at hindi pinayagang makita o makausap ang asawa niyang si Anna. Kahit malaya na siya ngayon, marami pa ring restriksiyon sa kaniya, kaya hindi siya makakapaglakbay nang malayo. Tuloy pa ang kasong kriminal na isinampa sa kaniya.

Natutuwa tayo na nananatiling matatag ang pananampalataya ni Brother Andrzej Oniszczuk at ng asawa niya sa mahirap na panahong ito. Nagpapasalamat tayo dahil dinirinig ni Jehova ang mga panalangin para sa mga “nasa bilangguan.”​—Colosas 4:2, 3.