Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 13, 2018
ANO’NG BAGO?

Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Baoule at ang Nirebisang Edisyon sa Polish

Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Baoule at ang Nirebisang Edisyon sa Polish

Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay inilabas sa Baoule noong Agosto 10, 2018, sa Abidjan, Côte d’Ivoire. Noong araw ring iyon, sa Warsaw, Poland, inilabas ang nirebisang edisyon ng New World Translation sa Polish. Ang kabuoan o bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa 167 wika, kabilang na ang 14 na kumpletong rebisyong nakabatay sa 2013 na edisyon.