EPISODE 3
“Ako Siya”
(Haba 39:40)
Nagturo si Jesus kay Nicodemo, sa Samaritana, at sa mga taga-Nazaret, pero iba-iba ang naging reaksiyon nila. Mapapanood sa episode na ito ang sumusunod:
Ipinaliwanag ni Jesus kay Nicodemo ang ibig sabihin ng pagsilang mula sa tubig at espiritu (Juan 3:1-13)
Itataas ang Anak ng tao kung paanong itinaas din ang ahas sa ilang (Juan 3:14, 15)
Isinugo ng Diyos ang kaniyang kaisa-isang Anak, hindi para hatulan ang mga tao, kundi para iligtas ang mga ito (Juan 3:16-21)
Huling patotoo ni Juan tungkol kay Jesus (Juan 3:22-30)
Ang nananampalataya sa Anak, na galing sa itaas, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:31-36)
Ibinilanggo si Juan (Marcos 6:17-20; Mateo 4:12; 14:3-5; Lucas 3:19, 20)
Pagód na dumating si Jesus sa balon ni Jacob sa Sicar, sa Samaria (Juan 4:1-6)
Kinausap ni Jesus ang isang Samaritana (Juan 4:7-15)
Itinuro ni Jesus sa Samaritana ang tungkol sa tunay na pagsamba (Juan 4:16-24)
Sinabi ni Jesus sa Samaritana na siya ang Mesiyas (Juan 4:25, 26)
Nagpatotoo sa iba ang Samaritana (Juan 4:27-30)
Inihalintulad ni Jesus sa pagkain ang paggawa ng kalooban ng Diyos; binanggit niya ang tungkol sa espirituwal na pag-aani (Juan 4:31-38)
Maraming Samaritano ang naniwala na si Jesus ang “tagapagligtas ng sangkatauhan” (Juan 4:39-42)
Nagsimulang mangaral si Jesus sa Galilea (Juan 4:43-45; Marcos 1:14, 15; Mateo 4:17; Lucas 4:14, 15)
Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang opisyal sa Cana ng Galilea (Juan 4:46-54)
Itinakwil si Jesus sa Nazaret (Lucas 4:16-30)
Pumunta si Jesus sa Capernaum (Mateo 4:13-16)
Makahimalang paghuli ng isda; tinawag ang unang mga alagad (Lucas 5:1-11; Mateo 4:18-22; Marcos 1:16-20)

