EPISODE 2
“Ito ang Anak Ko”
(Haba: 52:46)
Ipinakilala ni Juan Bautista ang Mesiyas. Nagsimula ang ministeryo ni Jesus. Mapapanood sa episode na ito ang sumusunod:
Nagsimulang mangaral si Juan Bautista (Lucas 3:1, 2; Juan 1:6)
Nagpatotoo si Juan tungkol sa liwanag (Juan 1:7, 8)
Nangaral si Juan tungkol sa bautismo (Mateo 3:1-12; Lucas 3:3-18; Marcos 1:1-8)
Bautismo ni Jesus (Mateo 3:13-17; Marcos 1:9-11; Lucas 3:21, 22)
Inakay si Jesus ng espiritu papunta sa ilang (Marcos 1:12, 13; Mateo 4:1; Lucas 4:1, 2)
Talaangkanan ni Jesu-Kristo (Lucas 3:23-38; Mateo 1:1-17)
Hindi nagpadala si Jesus sa mga tukso ng Diyablo (Mateo 4:2-11; Lucas 4:3-13)
Sinabi ni Juan na hindi siya ang Kristo, kundi ang isa na sumisigaw sa ilang (Juan 1:19-28)
Ipinakilala ni Juan si Jesus bilang “ang Kordero ng Diyos” (Juan 1:29-31)
Nagpatotoo si Juan na bumaba kay Jesus ang espiritu, at inihula niya ang pagbabautismo sa pamamagitan ng banal na espiritu (Juan 1:32-34)
Sumunod kay Jesus ang mga alagad ni Juan (Juan 1:35-39)
Isinama ni Andres ang kapatid niyang si Pedro kay Jesus (Juan 1:40-42)
Naging alagad ni Jesus sina Felipe at Natanael (Juan 1:43-51)
Ginawang alak ni Jesus ang tubig sa isang kasalan sa Cana ng Galilea (Juan 2:1-12)
Nilinis ni Jesus ang templo sa Jerusalem sa unang pagkakataon (Juan 2:13-17)
Sinabi ni Jesus sa mga Judiong kumakalaban sa kaniya na itatayong muli ang templo sa loob ng tatlong araw (Juan 2:18-22)
Marami ang nanampalataya kay Jesus dahil sa mga himalang ginawa niya (Juan 2:23-25)

