Imbitado Ka

Dalisay na Pagsamba

2025 Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova

Hanapin ang Pinakamalapit na Kombensiyon sa Inyong Lugar

Walang bayad Walang koleksiyon

Mga Aabangan

Biyernes: Sa serye ng mga video, maglalakbay tayo sa mga lugar kung saan nabuhay at nangaral si Jesus.

Sabado: Tingnan kung paano tinupad ng ministeryo ni Jesus ang mga hula na daan-daang taon nang inihula.

Linggo: Sa pahayag na “Alam Mo Ba Kung Bakit Ka Naniniwala sa Pinaniniwalaan Mo?” alamin kung bakit mahalaga ang pinaniniwalaan natin at kung paano hahanapin ang katotohanan.

Drama

Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus: Episode 2 at 3

Nang bautismuhan si Jesus, siya ay naging Mesiyas, o Kristo. Noong sumunod na mga buwan, tinukso siya ng Diyablo, nagkaroon siya ng mga alagad, at gumawa ng mga himala. Panoorin ito at ang iba pang mga eksena sa mga episode na ipapalabas sa tatlong araw na kombensiyon.

Magpunta sa jw.org/tl para makita ang iskedyul ng buong programa at mapanood ang sumusunod na video:

Ano’ng Mayroon sa mga Kombensiyon Namin?

Alamin ang mga nangyayari sa kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova.

2025 Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova: “Dalisay na Pagsamba”

Tingnan kung ano ang matututuhan mo sa kombensiyon ngayong taon.

Trailer ng Drama sa Bibliya: Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus

Mula pa sa pasimula ng ministeryo ni Jesu-Kristo, sinasalansang na siya ng mga tao at ng masasamang espiritu. Mananatili kaya siyang tapat?