‘Gusto Kong Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Aking Relihiyon’

‘Gusto Kong Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Aking Relihiyon’

‘Gusto Kong Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Aking Relihiyon’

SA ISANG atas sa paaralan tungkol sa kasaysayan, pinili ng 12-taóng-gulang na si Ciara, taga-Florida, E.U.A., ang isang interesanteng paksa​—ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova sa Alemanya sa ilalim ng Nazi. “Pinili ko ang paksang ito dahil gusto kong makaalam nang higit pa tungkol sa kasaysayan ng aking relihiyon,” ang sabi niya. “Gustung-gusto kong malaman kung ano talaga ang dinanas ng mga Saksi ni Jehova noong Holocaust.”

Pagkatapos ng puspusang pagsasaliksik, nagpagawa si Ciara ng isang kulay-lilang kahoy na piramide upang kumatawan sa kulay-lilang tatsulok na itinahi sa mga uniporme ng mga Saksi ni Jehova bilang pagkakakilanlan nila sa mga kampo. Idinikit ni Ciara sa mga gilid ng piramide ang mga larawang may kapsiyon. Inilakip din niya ang makabagbag-damdamin ngunit nakapagpapatibay-pananampalatayang liham na isinulat ni Wolfgang Kusserow, isa sa mga Saksi ni Jehova, bago siya patayin.​—Tingnan ang Gumising! ng Agosto 22, 1995, sa kahon sa pahina 5.

Maliwanag na ipinakita ng displey ni Ciara na, di-gaya ng ibang mga bilanggo, may mapagpipilian naman ang mga Saksi: Kung pipirmahan nila ang isang dokumento bilang pagtatakwil sa kanilang pananampalataya, palalayain sila. Napatunayan ang katapatan ng mga Saksi ni Jehova nang halos walang pumirma sa dokumento.

Ayon kay Ciara, nakinabang siya nang piliin niya ang paksang ito para sa kaniyang atas. Talagang natulungan siya nito na makaalam nang higit pa tungkol sa kaniyang relihiyon. “Bagaman isang maliit na grupo lamang noon sa Alemanya,” ang sabi niya, “ang mga Saksi ni Jehova ay may matibay na pananampalataya, na tumulong sa kanila upang mapagtagumpayan ang pag-uusig na kinaharap nila.”

Kung ikaw ay isang kabataang Saksi ni Jehova sa inyong paaralan, may mga paraan kaya upang masabi mo rin ang kasaysayan ng iyong relihiyon?