“Dumating Ito sa Tamang Panahon”

“Dumating Ito sa Tamang Panahon”

“Dumating Ito sa Tamang Panahon”

IYAN ang sinabi ng isang lalaki mula sa lunsod ng Abakaliki sa kaniyang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Nigeria. Tinutukoy niya ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal, na ibinigay sa kaniya kamakailan. Ganito ang paliwanag niya:

“Namatay ang aking pinakamamahal na asawa, si Tochi, di-nagtagal pagkapanganak niya noong Hunyo 18, 2000. Mahigit na isang buwan pagkalipas nito, hindi pa rin ako makabawi sa mga alimpuyo ng damdamin, manhid na pakiramdam, kawalan, at hindi ako makapaniwala sa pinakakalunus-lunos na trahedya na nangyari sa akin. Pagkatapos, noong Hulyo, binigyan ako ng isang Saksi ni Jehova ng isang kopya ng inyong publikasyong Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang brosyur ay naging tulad ng gamot na pampasigla para sa akin, at unti-unti kong naayos muli ang aking buhay​—dahil sa payo na ibinigay nito. Talagang naibalik nito ang aking pag-asa at natanto ko na sa pagkahawi ng ulap ay lilitaw ang liwanag.”

Marahil ikaw o ang isa mong kakilala ay tatanggap din ng kaaliwan mula sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo at ihuhulog sa koreo ang kasamang kupon sa direksiyong ipinakita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.