Ang Pagpapainit ay Nakababawas sa Panganib na Maimpeksiyon
Ang Pagpapainit ay Nakababawas sa Panganib na Maimpeksiyon
ANG PANGANIB NA MAIMPEKSIYON ANG SUGAT pagkatapos ng operasyon ay palaging isang problema. Gayunman, “ang pagpapainit sa mga pasyente bago ang karaniwang mga operasyon ay maaaring makabawas sa panganib na maimpeksiyon nang mahigit sa 60 porsiyento,” ang ulat ng The Times ng London.
Pinaghiwa-hiwalay sa tatlong grupo ng mga mananaliksik sa University Hospital of North Tees, Inglatera, ang mahigit na 400 pasyente na ooperahan sa suso, varicose-vein, o luslos. Ang isang grupo ay hindi pinainitan, at ang natirang dalawang grupo naman ay pinainitan sa isang partikular na bahagi ng kanilang katawan o sa buong katawan nang di-kukulangin sa kalahating oras bago sila operahan. Ano ang resulta?
Pagkatapos ng operasyon, 5 porsiyento lamang sa mga pinainitang pasyente ang nagkaroon ng impeksiyon sa sugat, kung ihahambing sa 14 na porsiyento sa mga hindi pinainitan. Kapansin-pansin na ang pagpapainit ay napatunayang epektibo sa pagbawas sa dami ng naimpeksiyon na mga pasyente na inoperahan sa kolon o tumbong.