Mga Awit 129:1-8

Awit ng Pag-akyat. 129  “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan”+ —Sabihin ngayon ng Israel—   “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan;+Pero hindi nila ako natatalo.+   Ang mga mang-aararo ay nag-araro sa likod ko;+Pinahaba nila ang kanilang mga tudling.”*   Pero si Jehova ay matuwid;+Pinagputol-putol niya ang mga lubid ng masasama.+   Mapapahiya sila at uurong sa kahihiyan,Lahat ng napopoot sa Sion.+   Magiging gaya sila ng damo sa mga bubunganNa natutuyot na bago pa bunutin,   Na hindi makapupuno sa kamay ng manggagapasO sa mga braso ng nagtitipon ng mga bungkos.   Hindi sasabihin ng mga dumadaan: “Pagpalain nawa kayo ni Jehova;Pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Jehova.”

Talababa

Makitid na hukay sa inararong lupa.

Study Notes

Media