JW LIBRARY

JW Library Features

JW Library Features

Ginawa ang JW Library app a para mas ma-enjoy mo ang pagbabasa ng Bibliya at mas lumalim ang personal study mo. Puwede mong i-download ang mga publikasyon, video, at audio na base sa Bibliya para lagi mo itong ma-access nasaan ka man at anumang oras.

Iba’t Ibang Salin ng Bibliya

  • Basahin ang Bibliya at ikumpara ang mga teksto sa iba’t ibang salin ng Bibliya na available sa daan-daang wika.

Mga Publikasyon

  • I-download ang mga aklat, brosyur, at artikulo na available sa mahigit 1,000 wika, kasama na ang mahigit 100 sign language.

Mga Video at Audio

  • I-download ang iba’t ibang programa, gaya ng mga video tungkol sa turo ng Bibliya, pahayag sa Bibliya, mga drama, at animated video.

Musika

  • Pakinggan ang iba’t ibang musika, gaya ng vocal, orchestral, at instrumental na mga recording.

Pang-araw-araw na Teksto

  • Simulan ang araw mo sa pagbabasa ng teksto at komento na makakapagpatibay sa iyo.

Mga Pulong

  • I-access ang mga gagamitin sa midweek at weekend meeting.

Search

  • Maghanap ng espesipikong teksto sa Bibliya, mga nilalaman, at mga paksa.

Personal Study

  • Mag-highlight ng mga salita, gumawa ng mga personal note, at maglagay ng mga tag.

Mga Playlist

  • Gumawa ng playlist ng mga musika, video, audio, at larawan.

a Ang JW Library ay isang opisyal na app na ginawa ng mga Saksi ni Jehova.