Mga Awit 87:1-7

Awit ng mga anak ni Kora.+ 87  Ang pundasyon ng lunsod niya ay nasa banal na mga bundok.+   Mas iniibig ni Jehova ang mga pintuang-daan ng Sion+Kaysa sa lahat ng tolda ni Jacob.   Magagandang bagay ang sinasabi tungkol sa iyo, O lunsod ng tunay na Diyos.+ (Selah)   Ibibilang ko ang Rahab+ at ang Babilonya sa mga nakakakilala* sa akin;Nariyan din ang Filistia at ang Tiro, pati ang Cus. Sasabihin ko: “Ang isang ito ay ipinanganak doon.”   At tungkol sa Sion ay sasabihin: “Ang bawat isa ay ipinanganak sa kaniya.” At patatatagin siya ng Kataas-taasan.   Ipahahayag ni Jehova, kapag itinatala ang mga bayan: “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” (Selah)   Sasabihin ng mga mang-aawit+ at ng mga sumasayaw nang paikot:+ “Ang lahat ng aking bukal ay nasa iyo.”*+

Talababa

O “kumikilala.”
O “Para sa akin, ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng bagay.”

Study Notes

Media