Ang Awit ni Solomon 1:1-17

1  Ang awit ng mga awit,* na kay Solomon:+  2  “Halikan niya nawa ako ng mga halik ng kaniyang labi,Dahil ang mga kapahayagan mo ng pagmamahal ay mas mabuti kaysa sa alak.+  3  Mabango ang iyong mga langis.+ Ang iyong pangalan ay gaya ng mabangong langis na ibinubuhos.+ Kaya naman iniibig ka ng mga dalaga.  4  Isama mo ako;* tumakbo tayo. Dinala ako ng hari sa mga silid niya! Magalak tayo at magsaya. Itanghal* natin ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal nang higit kaysa sa alak. Hindi kataka-takang mahalin ka nila.*  5  Maitim ako, pero maganda, O mga anak na babae ng Jerusalem,Gaya ng mga tolda ng Kedar,+ gaya ng mga telang pantolda+ ni Solomon.  6  Huwag ninyo akong tingnan dahil maitim ako;Nasunog kasi ako sa araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki;Ginawa nila akong tagapag-alaga ng mga ubasan,Samantalang hindi ko naaalagaan ang sarili kong ubasan.  7  Sabihin mo sa akin, ikaw na mahal na mahal ko,Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,+Kung saan mo ito pinahihiga sa katanghaliang-tapat. Bakit ba ako magiging gaya ng babaeng nakabelo*Sa gitna ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?”  8  “Kung hindi mo alam, O pinakamaganda sa mga babae,Sundan mo ang bakas ng kawanAt pastulan mo ang iyong mga batang kambing sa tabi ng mga tolda ng mga pastol.”  9  “Ihahambing kita, mahal ko, sa babaeng kabayo ng* mga karwahe* ng Paraon.+ 10  Bagay sa iyong mga pisngi ang palamuti,*At sa iyong leeg ang mga kuwintas. 11  Igagawa ka namin ng mga gintong palamuti,*Na nilagyan ng mga piraso ng pilak.” 12  “Habang nakaupo ang hari sa kaniyang bilog na mesa,Humahalimuyak ang pabango*+ ko. 13  Ang sinta ko ay gaya ng isang supot ng mabangong mira+ para sa akin,Na nagpapalipas ng gabi sa aking dibdib. 14  Ang sinta ko ay gaya ng isang kumpol ng henna*+ para sa akin,Sa gitna ng mga ubasan ng En-gedi.”+ 15  “Napakaganda mo, mahal ko. Napakaganda mo. Ang iyong mga mata ay gaya ng sa mga kalapati.”+ 16  “Napakaguwapo mo, sinta ko, at kaibig-ibig ka.+ Ang higaan natin ay ang damuhan. 17  Ang mga biga ng bahay* natin ay mga sedro,Ang kisame ay mga puno ng enebro.

Talababa

O “Ang pinakamagandang awit.”
Lit., “Pasunurin mo ako sa iyo.”
O “Alalahanin.”
Mga dalaga.
O “babaeng may suot na belo ng pagdadalamhati.”
O “karo.”
O “babaeng kabayo ko na humihila sa.”
O posibleng “ang mga tirintas ng buhok.”
O “palamuting pabilog.”
Lit., “nardo.”
O “isang mabangong halaman.”
O “napakagandang bahay.”

Study Notes

Media