Ang Awit ni Solomon 2:1-17

2  “Isa lang akong safron* sa kapatagan,*Isang liryo* sa mga lambak.”+  2  “Gaya ng liryo sa gitna ng mga tinikAng mahal ko sa gitna ng mga dalaga.”  3  “Gaya ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno sa kagubatanAng mahal ko sa gitna ng mga binata. Gustong-gusto kong umupo sa kaniyang lilimAt kainin ang matamis niyang bunga.  4  Isinama niya ako sa isang handaan,*At kitang-kita ng lahat na ako ang mahal niya.  5  Bigyan ninyo ako ng pasas+ at mansanasPara sumigla ako at lumakas;Nanghihina ako dahil sa pag-ibig.  6  Hinahaplos ng kaliwang kamay niya ang ulo ko,At nakayakap sa akin ang kanang kamay niya.+  7  Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem,Sa harap ng mga gasela+ at babaeng usa sa parang: Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.+  8  Naririnig ko na ang mahal ko! Parating na siya!Umaakyat sa mga bundok, lumulukso sa mga burol.  9  Ang sinta ko ay gaya ng gasela, gaya ng batang lalaking usa.+ Hayun siya, nakatayo sa likod ng aming pader,Nagmamasid sa mga bintana,Tumatanaw sa pagitan ng mga sala-sala. 10  Nagsalita ang sinta ko, sinabi niya sa akin: ‘Bumangon ka, mahal kong napakaganda,Sumama ka sa akin. 11  Tapos na ang taglamig.* Tumigil na ang pag-ulan. 12  Tumubo na ang mga bulaklak sa lupain,+Dumating na ang panahon ng pagtatabas,+At naririnig na sa ating lupain ang awit ng batubato.+ 13  Hinog na ang mga unang bunga ng puno ng igos;+Namumulaklak na at nalalanghap ang bango ng mga punong ubas. Bumangon ka, mahal kong napakaganda, Sumama ka sa akin. 14  O kalapati ko na nasa mga puwang ng malaking bato,+Na nasa mga uka ng bangin,Gusto kitang makita at gusto kong marinig ang boses mo,+Dahil maganda ka at malambing ang boses mo.’”+ 15  “Hulihin ninyo ang mga asong-gubat* para sa amin,Ang maliliit na asong-gubat na naninira ng ubasan,Dahil namumulaklak na ang mga ubasan namin.” 16  “Ang sinta ko ay akin at ako ay kaniya.+ Nagpapastol siya+ sa gitna ng mga liryo.+ 17  Bago maging mahangin* at mawala ang mga anino,Magmadali kang bumalik, O sinta ko,Gaya ng gasela+ o ng batang lalaking usa+ na nasa mga bundok na naghihiwalay sa atin.*

Talababa

Isang uri ng bulaklak.
Lit., “baybaying kapatagan.”
Isang uri ng bulaklak.
Lit., “sa bahay ng alak.”
O “tag-ulan.”
Sa Ingles, fox.
Lit., “huminga ang araw.”
O posibleng “mga bundok na may uka.” O “mga bundok ng Beter.”

Study Notes

Media