JW Library Para sa mga Windows Device
Alamin ang mga feature ng JW Library. May step-by-step tutorial at mga tip na makakatulong sa iyo. Alamin din ang sagot sa mga madalas itanong tungkol sa app na ito.
Ano’ng Bago
Disyembre 2025 (Version 15.6)
Gamitin ang Search button sa Library tab para hanapin ang isang publikasyon, video, o audio.
Naayos na ang ilang issue, kasama na ang mga dahilan ng pag-crash ng app.
Ang minimum requirement na operating system ng isang gadyet ay Android 8.0, iOS 15, macOS na may M1 o mas bagong chip, Windows 10 Version 2004 o mas bago.
Oktubre 2025 (Version 15.5)
Kahit i-restart ang app, hindi nagbabago ang ginawa mong setting ng playback speed ng video at audio.
Kapag nagbukas ng mga video, nakatago ang heads-up display. Para lumitaw ito, i-tap ang video.
Naayos na ang ilang issue, kasama na ang ilang dahilan ng pag-crash ng app.
Ang minimum requirement na operating system ng isang gadyet ay Android 7.0, iOS 15, macOS na may M1 o mas bagong chip, Windows 10 Version 2004 o mas bago.
Hulyo 2025 (Version 15.4)
Binago ang disenyo ng Meetings tab para makita sa isang page ang mga link ng publikasyon na gagamitin sa pulong para sa Buhay at Ministeryo at sa Pag-aaral sa Bantayan. Isinama na rin dito ang iba pang link ng mga publikasyon na gagamitin sa pulong.
I-press nang matagal at i-drag ang mouse sa isang salita para ma-highlight ito. Puwede ring habaan ang highlight.
Magagamit ang Next at Previous na mga arrow para ilipat ang mga pahina. Hindi na maililipat ang mga pahina kapag nag-swipe ka ng screen.
Naayos na ang ilang issue, kasama na ang ilang dahilan ng pag-crash ng app.
SA SEKSIYONG ITO
Karaniwang mga Tanong—JW Library (Windows)
Alamin ang sagot sa karaniwang mga tanong.

