TAMPOK NA PAKSA | DAPAT KA BANG MAGDASAL?

Bakit Nagdarasal ang mga Tao?

Bakit Nagdarasal ang mga Tao?

Lagi ka bang nagdarasal? Ginagawa iyan ng marami, kahit ng ilang ateista. Pero bakit ba nagdarasal ang mga tao? Ayon sa isang surbey sa France, 50 porsiyento ng mga mamamayang Pranses ang nagdarasal o nagmumuni-muni kung minsan para “gumaan ang pakiramdam.” Gaya ng maraming taga-Europa, hindi sila nagdarasal para sambahin ang Diyos. Sa halip, nagdarasal sila para lang “kumalma.” May ilang mananampalataya naman na tumatawag lamang sa Diyos kapag may kailangan sila, na umaasang sasagutin agad ang kanilang mga kahilingan.Isaias 26:16.

Ikaw naman? Iniisip mo ba na ang pagdarasal ay para lang makapag-isip nang malinaw? Kung naniniwala ka sa Diyos, nakikita mo ba sa iyong buhay ang bisa ng panalangin? O sa tingin mo ay hindi sinasagot ang iyong mga dasal? Matutulungan ka ng Bibliya na ituring ang pagdarasal, hindi bilang isang terapi para bumuti ang iyong pakiramdam, kundi bilang isang mahalagang paraan para mapalapít sa Diyos.