Zacarias 6:1-15

6  Pagkatapos ay may nakita naman akong apat na karwaheng* lumalabas mula sa pagitan ng dalawang bundok, at ang mga bundok ay tanso.  Ang unang karwahe ay may mga pulang kabayo, at ang ikalawang karwahe, mga itim na kabayo.+  Ang ikatlong karwahe ay may mga puting kabayo, at ang ikaapat na karwahe, mga batik-batik na kabayo.+  Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin: “Ano ang mga ito, panginoon ko?”  Sumagot ang anghel: “Ito ang apat na espiritu+ sa langit na lumalabas pagkatapos nilang humarap sa Panginoon ng buong lupa.+  Ang karwaheng may mga itim na kabayo ay papunta sa lupain ng hilaga;+ ang mga puti ay papunta sa kabila ng dagat; at ang mga batik-batik ay papunta sa lupain ng timog.  Gustong-gusto ng mga batik-batik na lumabas at lumibot sa lupa.” Pagkatapos ay sinabi niya: “Lumibot kayo sa lupa.” At sila ay nagsimulang lumibot sa lupa.  At tinawag niya ako at sinabi: “Tingnan mo, dahil sa mga nagpunta sa lupain ng hilaga ay humupa ang galit ni Jehova sa lupain ng hilaga.”  Ang mensahe ni Jehova ay muling dumating sa akin, na nagsasabi: 10  “Kunin mo kina Heldai, Tobias, at Jedaias ang kinuha nila mula sa ipinatapong bayan; at sa araw na iyon, pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Zefanias kasama ng mga ito na nanggaling sa Babilonya. 11  Kumuha ka ng pilak at ginto at gumawa ka ng korona* at ilagay mo iyon sa ulo ng mataas na saserdoteng si Josue+ na anak ni Jehozadak. 12  At sabihin mo sa kaniya: “‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Ito ang lalaking nagngangalang Sibol.+ Siya ay sisibol mula sa kaniyang sariling lugar, at itatayo niya ang templo ni Jehova.+ 13  Siya ang magtatayo ng templo ni Jehova, at siya ang tatanggap ng karangalan. Uupo siya sa kaniyang trono at mamamahala, at magiging saserdote rin siya sa kaniyang trono,+ at pareho niyang tutuparin ang mga tungkuling ito para sa kapayapaan.* 14  At ang korona* ay mananatili sa templo ni Jehova para maalaala sina Helem, Tobias, Jedaias,+ at Hen na anak ni Zefanias. 15  At ang mga nasa malayo ay darating at tutulong sa pagtatayo ng templo ni Jehova.” At malalaman ninyo na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa inyo. At mangyayari iyon—kung makikinig kayo sa tinig ni Jehova na inyong Diyos.’”

Talababa

O “karong.”
O “maringal na korona.”
O “at magiging magkasuwato ang dalawang tungkulin.”
O “maringal na korona.”

Study Notes

Media