Nehemias 2:1-20

2  Noong ika-20 taon+ ni Haring Artajerjes,+ buwan ng Nisan, may nakahandang alak sa harap niya, at gaya ng dati, kinuha ko ang alak at ibinigay iyon sa hari.+ At ngayon lang ako naging matamlay sa harap niya.  Kaya sinabi ng hari: “Bakit matamlay ka? Wala ka namang sakit. Tiyak na may bumabagabag sa iyo.” Kaya takot na takot ako.  Sinabi ko: “Pagpalain nawa ang hari!* Matamlay po ako dahil wasak ang lunsod kung saan nakalibing ang mga ninuno ko, at ang mga pintuang-daan nito ay natupok ng apoy.”+  Kaya sinabi ng hari: “Ano ang gusto mo?” Nanalangin agad ako sa Diyos ng langit.+  Pagkatapos, sinabi ko sa hari: “Kung mabuti sa hari at kung ang inyong lingkod ay karapat-dapat sa inyong pabor, payagan po sana ninyo akong pumunta sa Juda, sa lunsod kung saan nakalibing ang mga ninuno ko, para maitayo kong muli iyon.”+  Sinabi sa akin ng hari, habang nakaupo sa tabi niya ang kaniyang reyna: “Gaano katagal ang paglalakbay mo, at kailan ka babalik?” Kaya pinayagan ako ng hari,+ at sinabi ko sa kaniya kung gaano katagal akong mawawala.+  Sinabi ko pa sa hari: “Kung mabuti sa hari, bigyan nawa ako ng mga liham para sa mga gobernador sa rehiyon sa kabila ng Ilog*+ para ligtas akong makadaan doon papuntang Juda,  pati ng isang liham kay Asap na tagapag-ingat ng kagubatan* ng hari para bigyan niya ako ng mga troso na magagamit na biga sa mga pintuang-daan ng Tanggulan+ ng Bahay,* sa mga pader ng lunsod,+ at sa bahay na titirhan ko.” Kaya ibinigay sa akin ng hari ang mga iyon+ dahil tinulungan ako ng aking Diyos.+  Nang makarating ako sa rehiyon sa kabila ng Ilog, ibinigay ko sa mga gobernador ang mga liham ng hari. Pinasamahan din ako ng hari sa mga pinuno ng hukbo at sa mga mangangabayo. 10  Nang mabalitaan iyon ni Sanbalat+ na Horonita at ni Tobia+ na Ammonitang+ opisyal,* galit na galit sila na may dumating para gumawa ng mabuti sa bayan ng Israel. 11  Sa wakas, nakarating ako sa Jerusalem at nanatili roon nang tatlong araw. 12  Noong gabi, bumangon ako at ang ilang lalaking kasama ko. Hindi ko ipinaalám kaninuman kung ano ang inilagay ng Diyos sa puso ko na gawin para sa Jerusalem, at wala akong dalang hayop maliban sa hayop na sinasakyan ko. 13  At nang gabing iyon, lumabas ako sa may Pintuang-Daan ng Lambak,+ dumaan sa harap ng Bukal ng Malaking Ahas* hanggang sa Pintuang-Daan ng mga Bunton ng Abo,+ at ininspeksiyon ko ang nagibang mga pader ng Jerusalem at ang mga pintuang-daan nito na natupok ng apoy.+ 14  Pinuntahan ko rin ang Pintuang-Daan ng Bukal+ at ang Imbakan ng Tubig ng Hari, at walang madaanan ang hayop na sinasakyan ko. 15  Pero nagpatuloy ako sa pag-akyat sa lambak,*+ at patuloy kong ininspeksiyon ang pader; pagkatapos, bumalik ako at pumasok sa Pintuang-Daan ng Lambak. 16  Hindi alam ng mga kinatawang opisyal+ kung saan ako pumunta at kung ano ang ginagawa ko dahil wala pa akong anumang sinasabi sa mga Judio, saserdote, prominenteng tao, kinatawang opisyal, at sa mga manggagawa. 17  Kaya sinabi ko sa kanila: “Nakikita ninyo ang kaawa-awang kalagayan natin; wasak ang Jerusalem at nasunog ang mga pintuang-daan nito. Halikayo, muli nating itayo ang mga pader ng Jerusalem para hindi na magpatuloy ang kahihiyang ito.” 18  Pagkatapos, sinabi ko sa kanila kung paano ako tinulungan ng aking Diyos+ at kung ano ang sinabi sa akin ng hari.+ Kaya sinabi nila: “Simulan na natin ang pagtatayo!” At naghanda silang mabuti* para sa gawain.+ 19  Nang mabalitaan iyon ni Sanbalat na Horonita, ni Tobia+ na Ammonitang+ opisyal,* at ni Gesem na Arabe,+ sinimulan nila kaming tuyain+ at hamakin. Sinasabi nila: “Ano ang ginagawa ninyo? Nagrerebelde ba kayo sa hari?”+ 20  Sumagot ako: “Ang Diyos ng langit ang tutulong sa amin na magtagumpay,+ at kaming mga lingkod niya ay sama-samang magtatayo; pero kayo ay walang kinalaman sa Jerusalem o anumang karapatan dito o anumang bahagi sa kasaysayan nito.”+

Talababa

Lit., “Mabuhay ang hari!”
O “sa kanluran ng Eufrates.”
O “parke.”
O “Templo.”
Lit., “lingkod.”
Malamang na ito rin ang Balon ng En-rogel.
O “wadi.”
Lit., “At pinalakas nila ang mga kamay nila.”
Lit., “lingkod.”

Study Notes

Media