Josue 17:1-18

17  Ito naman ang napunta+ sa tribo ni Manases,+ na panganay ni Jose.+ Dahil si Makir,+ na panganay ni Manases at ama ni Gilead, ay isang mandirigma, ibinigay sa kaniya ang Gilead at ang Basan.+  Ang iba pang pamilya sa tribo ni Manases ay binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan: ang mga anak ni Abi-ezer,+ ang mga anak ni Helek, ang mga anak ni Asriel, ang mga anak ni Sikem, ang mga anak ni Heper, at ang mga anak ni Semida. Ito ang mga ulo ng pamilya sa mga inapo ni Manases na anak ni Jose.+  Pero si Zelopehad+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, ay walang anak na lalaki, kundi mga anak na babae lang, at ito ang mga pangalan nila: Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza.  Kaya pumunta sila kay Eleazar+ na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno at nagsabi: “Si Jehova ang nag-utos kay Moises na bigyan kami ng mana gaya ng mga kamag-anak naming lalaki.”+ Kaya sa utos ni Jehova, binigyan niya sila ng mana gaya ng mga kapatid ng kanilang ama.+  Mayroon pang 10 bahagi na napunta kay Manases, bukod sa lupain ng Gilead at Basan na nasa kabilang ibayo* ng Jordan,+  dahil ang mga anak na babae ni Manases ay tumanggap ng mana katulad ng mga anak niyang lalaki, at ang lupain ng Gilead ay naging pag-aari ng iba pang inapo ni Manases.  At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Micmetat,+ na nasa tapat ng Sikem,+ at ang hangganan ay nagpatuloy patimog* hanggang sa lupain ng mga nakatira sa En-Tapua.  Ang lupain ng Tapua+ ay napunta kay Manases, pero ang lunsod ng Tapua sa may hangganan ng Manases ay sa mga inapo ni Efraim.  At ang hangganan ay pababa sa Wadi ng Kana, sa timog ng wadi. May mga lunsod ang Efraim sa teritoryo ng Manases,+ at ang hangganan ng Manases ay nasa hilaga ng wadi, at ang dulo nito ay sa dagat.+ 10  Ang timog ay pag-aari ni Efraim at ang hilaga ay pag-aari ni Manases, at sa dagat ang kaniyang hangganan,+ at sa hilaga ay umaabot sila* sa Aser, at sa silangan ay sa Isacar. 11  Ibinigay kay Manases ang mga lunsod na ito na nasa mga teritoryo ni Isacar at ni Aser: ang Bet-sean at ang Ibleam,+ kasama ang katabing mga nayon;* ang mga nakatira sa Dor,+ En-dor,+ Taanac,+ at Megido, kasama ang katabing mga nayon. Sa kaniya ang tatlo sa maburol na mga rehiyon. 12  Pero hindi nakuha ng mga inapo ni Manases ang mga lunsod na ito; patuloy na nanirahan sa lupaing ito ang mga Canaanita.+ 13  Nang lumakas ang mga Israelita, puwersahan nilang pinagtrabaho ang mga Canaanita,+ pero hindi nila itinaboy ang mga ito* nang lubusan.+ 14  Sinabi ng mga inapo ni Jose kay Josue: “Bakit isang bahagi* lang ng lupain ang ibinigay mo sa amin* bilang mana?+ Napakarami namin dahil pinagpapala kami ni Jehova hanggang ngayon.”+ 15  Sinabi sa kanila ni Josue: “Kung napakarami ninyo at masikip na para sa inyo ang mabundok na rehiyon ng Efraim,+ umakyat kayo sa kagubatan sa lupain ng mga Perizita+ at ng mga Repaim+ at hawanin ninyo ang isang lugar doon para matirhan ninyo.” 16  Sumagot ang mga inapo ni Jose: “Hindi sapat sa amin ang mabundok na rehiyon, at ang lahat ng Canaanita na nakatira sa lambak* ay may mga karwaheng pandigma+ na may mga patalim sa gulong,* kapuwa ang mga nasa Bet-sean,+ kasama na ang katabing mga nayon nito, at ang mga nasa Lambak* ng Jezreel.”+ 17  Kaya ganito ang sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose, sa Efraim at sa Manases: “Isa kang malaki at makapangyarihang bayan. Hindi lang isang bahagi ng lupain ang mapupunta sa iyo.+ 18  Magiging sa iyo rin ang mabundok na rehiyon.+ Iyon ay isang kagubatan, pero hahawanin mo iyon, at iyon ang magiging dulo ng teritoryo mo. Dahil itataboy mo ang mga Canaanita, kahit na malalakas sila at may mga karwaheng pandigma na may mga patalim sa gulong.”*+

Talababa

Sa silangan.
Lit., “pakanan.”
Ang mga tao o ang teritoryo ng Manases.
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
O “hindi nila kinuha ang lupain ng mga ito.”
Ang literal na pananalitang ginamit ay tumutukoy sa teritoryong sinukat at ibinigay sa pamamagitan ng palabunutan.
Lit., “akin.”
O “mababang kapatagan.”
Lit., “karwaheng bakal.”
O “Mababang Kapatagan.”
Lit., “karwaheng bakal.”

Study Notes

Media