Jeremias 16:1-21

16  Ang salita ni Jehova ay muling dumating sa akin:  “Huwag kang mag-asawa, at huwag kang magkaroon ng mga anak sa lugar na ito.  Dahil ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa mga anak na isisilang dito at tungkol sa kanilang mga ama at sa kanilang mga ina na magsisilang sa kanila sa lupaing ito:  ‘Mamamatay sila dahil sa mga sakit,+ pero walang magdadalamhati o maglilibing sa kanila; sila ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.+ Mamamatay sila sa espada at sa taggutom,+ at ang mga bangkay nila ay kakainin ng mga ibon sa langit at ng mga hayop sa lupa.’   Dahil ito ang sinabi ni Jehova,‘Huwag kang papasok sa bahay na may handang pagkain para sa mga nagdadalamhati,At huwag kang iiyak o makikiramay.’+ ‘Dahil inalis ko ang kapayapaan ko sa bayang ito,’ ang sabi ni Jehova,‘Pati ang aking tapat na pag-ibig at awa.+   Ang mga prominente at ang mga hamak ay parehong mamamatay sa lupaing ito. Hindi sila ililibing,Walang magdadalamhati para sa kanila,At walang maghihiwa ng sarili o magpapakalbo para sa kanila.*   Walang magbibigay ng pagkain sa mga nagdadalamhatiPara aliwin sila sa pagkamatay ng mahal nila sa buhay;At wala ring magbibigay sa kanila ng kopa ng alakPara aliwin sila sa pagkamatay ng kanilang ama o ina.   At huwag kang papasok sa bahay na may handaanPara kumain at uminom kasama nila.’  “Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Sa lugar na ito, sa panahon ninyo at sa mismong harap ninyo, wawakasan ko ang mga hiyaw ng pagbubunyi at pagsasaya, ang tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaeng ikakasal.’+ 10  “Kapag sinabi mo sa bayang ito ang lahat ng ito, tatanungin ka nila, ‘Bakit sinabi ni Jehova na mangyayari sa amin ang lahat ng kapahamakang ito? Ano bang pagkakamali at kasalanan ang nagawa namin kay Jehova na aming Diyos?’+ 11  Sabihin mo sa kanila, ‘“Dahil iniwan ako ng mga ninuno ninyo,”+ ang sabi ni Jehova, “at patuloy silang sumunod sa ibang mga diyos at naglingkod at yumukod sa mga ito,+ samantalang ako ay iniwan nila, at ang kautusan ko ay hindi nila tinupad.+ 12  Pero mas masahol pa ang ginawa ninyo kaysa sa ginawa ng mga ninuno ninyo,+ at bawat isa sa inyo ay nagmamatigas sa pagsunod sa kaniyang masamang puso sa halip na sumunod sa akin.+ 13  Kaya mula sa lupaing ito ay itatapon ko kayo sa lupaing hindi ninyo alam at hindi alam ng mga ninuno ninyo,+ at doon ay maglilingkod kayo sa ibang diyos araw at gabi,+ dahil hindi ako maaawa sa inyo.”’ 14  “‘Pero darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na hindi na nila sasabihin: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto!”+ 15  Sa halip, sasabihin nila: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain sa hilaga at mula sa lahat ng lupain kung saan niya sila pinangalat!” at ibabalik ko sila sa kanilang lupain, na ibinigay ko sa mga ninuno nila.’+ 16  ‘Magpapatawag ako ng maraming mangingisda,’ ang sabi ni Jehova,‘At hahanapin sila ng mga ito at huhulihin. Pagkatapos ay magpapatawag ako ng maraming mangangaso,At hahanapin sila ng mga ito sa bawat bundok at bawat burolAt sa mga bitak ng malalaking bato. 17  Dahil nakikita ko ang lahat ng ginagawa* nila. Hindi iyon maitatago sa akin,At hindi rin nila maitatago sa akin ang mga pagkakamali nila. 18  Pagbabayarin ko muna sila nang buo sa pagkakamali at kasalanan nila,+Dahil nilapastangan nila ang lupain ko ng kanilang kasuklam-suklam at walang-buhay na mga idoloAt pinuno nila ang mana ko ng kanilang karima-rimarim na mga bagay.’”+ 19  O Jehova, ang aking lakas at ang aking kanlungan,Ang takbuhan ko sa araw ng paghihirap,+Pupunta sa iyo ang mga bansa mula sa mga dulo ng lupa,At sasabihin nila: “Ang mga ninuno namin ay nagmana ng kasinungalingan,Mga bagay na walang kabuluhan at walang pakinabang.”+ 20  Ang tao ba ay makagagawa ng mga diyos?Ang nagagawa niya ay hindi totoong mga diyos.+ 21  “Kaya ipaaalam ko sa kanila,Sa pagkakataong ito, ipapakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan at kalakasan,At malalaman nila na ang pangalan ko ay Jehova.”

Talababa

Paganong kaugalian ng pagdadalamhati na malamang na ginagawa ng apostatang Israel.
Lit., “landasin.”

Study Notes

Media