Mga Awit 95:1-11

95  Halikayo, humiyaw tayo nang may kagalakan kay Jehova! Humiyaw tayo sa ating Bato ng kaligtasan+ dahil sa tagumpay.   Lumapit tayo sa harap niya at magpasalamat;+Umawit tayo at humiyaw sa kaniya dahil sa tagumpay.   Dahil si Jehova ay dakilang Diyos,Isang dakilang Hari sa lahat ng iba pang diyos.+   Nasa kamay niya ang kailaliman ng lupa;Sa kaniya ang tuktok ng mga bundok.+   Ang dagat, na ginawa niya, ay pag-aari niya,+At ang mga kamay niya ang humubog sa tuyong lupa.+   Halikayo, sumamba tayo at yumukod;Lumuhod tayo sa harap ni Jehova na ating Maylikha.+   Dahil siya ang ating Diyos,At tayo ang bayan na pinapastulan niya,Ang mga tupang inaalagaan niya.*+ Ngayon, kung nakikinig kayo sa tinig niya,+   Huwag ninyong patigasin ang puso ninyo gaya ng nangyari sa Meriba,*+Gaya ng nangyari sa Masah* sa ilang,+   Nang subukin ako ng mga ninuno ninyo;+Hinamon nila ako, kahit nakita nila ang mga ginawa ko.+ 10  Nasuklam ako sa henerasyong iyon nang 40 taon, at sinabi ko: “Sila ay isang bayang laging lumilihis ang puso;Hindi nila natutuhan ang mga daan ko.” 11  Kaya sa galit ko ay sumumpa ako: “Hindi sila papasok sa kapahingahan ko.”+

Talababa

Lit., “tupa ng kamay niya.”
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
Ibig sabihin, “Pagsubok.”

Study Notes

Media