Mga Awit 64:1-10

Sa direktor. Awit ni David. 64  Pakinggan mo, O Diyos, ang pagmamakaawa ko.+ Ingatan mo ang buhay ko sa nakapangingilabot na pagsalakay ng kaaway.   Ingatan mo ako mula sa lihim na mga pakana ng masasamang tao,+Mula sa mga gumagawa ng masama.   Pinatatalas nilang gaya ng espada ang dila nila;Iniaasinta nilang gaya ng palaso ang kanilang masasakit na salita,   Para panain mula sa kanilang taguan ang walang-sala;Bigla nila siyang pinapana nang hindi natatakot.   Desidido sila sa masamang plano nila;*Pinag-uusapan nila kung paano itatago ang kanilang mga bitag. Sinasabi nila: “Sino ang makakakita sa mga iyon?”+   Nag-iisip sila ng mga bagong paraan para gumawa ng masama;Palihim silang gumagawa ng tusong mga pakana;+Hindi maarok ang laman ng puso nila.   Pero papanain sila ng Diyos;+Bigla silang tatamaan ng palaso.   Ang sarili nilang dila ang magpapabagsak sa kanila;+Mapapailing ang lahat ng makakakita nito.   Ang lahat ng tao ay matatakot,At ihahayag nila ang ginawa ng Diyos, At mauunawaan nila ang kaniyang mga gawa.+ 10  Ang matuwid ay magsasaya dahil kay Jehova at manganganlong sa kaniya;+Ang lahat ng may matuwid na puso ay magagalak.*

Talababa

O “Hinihimok nila ang isa’t isa na gumawa ng masama.”
O “magmamalaki.”

Study Notes

Media