Kaunawaan sa Kasulatan

Gitit

Tagalog
Gitit
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Gitit

Gitit

 Isang pananalitang pangmusika na di-tiyak ang kahulugan at makikita sa mga superskripsiyon ng Mga Awit 881, at 84. Waring ang terminong ito ay hinalaw sa salitang Hebreo na gath, na pangalan din ng isang bayan na nasa hanggahan ng Juda at Filistia. Iminumungkahi ng ilan na ang “Gitit” ay nagpapahiwatig ng isang himig na nauugnay sa mga awitin sa pag-aani ng ubas, yamang ang gath ay tumutukoy sa isang pisaan ng ubas. Kaya naman isinasalin ng Griegong Septuagint at ng Latin na Vulgate ang “Gitit” bilang “mga pisaan ng ubas.”