Mga Awit 81:1-16
Sa direktor; sa Gitit.* Awit ni Asap.+
81 Humiyaw kayo nang may kagalakan sa Diyos na ating lakas.+
Humiyaw kayo sa Diyos ni Jacob dahil sa tagumpay.
2 Umpisahan ninyo ang musika at kumuha kayo ng tamburin,Ng alpa na may magandang himig at ng instrumentong de-kuwerdas.
3 Hipan ninyo ang tambuli sa bagong buwan,+Sa kabilugan ng buwan, para sa araw ng ating kapistahan.+
4 Dahil ito ay tuntunin sa Israel,Isang batas ng Diyos ni Jacob.+
5 Itinakda niya ito bilang paalaala kay Jose+Noong kumilos Siya laban sa lupain ng Ehipto.+
Narinig ko ang isang tinig na hindi ko kilala:*
6 “Inalis ko ang pasanin sa balikat niya,+At ang basket sa mga kamay niya.
7 Tumawag ka noong nagdurusa ka, at iniligtas kita;+Sinagot kita mula sa makapal at maitim na ulap.*+
Sinubok kita sa tubig ng Meriba.*+ (Selah)
8 Makinig ka, bayan ko, at tetestigo ako laban sa iyo.
O Israel, kung makikinig ka lang sa akin.+
9 Hindi ka magkakaroon ng ibang diyos,At hindi ka yuyukod sa diyos ng mga banyaga.+
10 Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,Ang naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.+
Buksan mong mabuti ang iyong bibig at pupunuin ko.+
11 Pero hindi nakinig sa tinig ko ang aking bayan;Ayaw magpasakop sa akin ng Israel.+
12 Kaya hinayaan kong sundin nila ang kanilang matigas na puso;Ginawa nila ang iniisip nilang tama.*+
13 Kung makikinig lang sana sa akin ang bayan ko,+Kung lalakad lang sana sa mga daan ko ang Israel!+
14 Agad kong tatalunin ang mga kalaban nila;Paparusahan ko ang mga kaaway nila.+
15 Ang mga napopoot kay Jehova ay manginginig sa harap niya,At ang kahihinatnan* nila ay walang hanggan.
16 Pero pakakainin ka niya* ng pinakamagandang klase* ng trigo+At bubusugin ka ng pulot-pukyutan mula sa bato.”+
Talababa
^ O posibleng “isang wika na hindi ko naiintindihan:”
^ Lit., “sa lihim na lugar ng kulog.”
^ Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
^ Lit., “Lumakad sila sa mga panukala nila.”
^ Lit., “panahon.”
^ Lit., “pakakainin niya siya.” Ang “siya” ay tumutukoy sa bayan ng Diyos.
^ Lit., “ng taba.”