Mga Awit 84:1-12
Para sa direktor; sa Gitit.* Awit ng mga anak ni Kora.+
84 Napakaganda ng* iyong maringal na tabernakulo,+O Jehova ng mga hukbo!
2 Nananabik ako,Nanghihina ako dahil sa pananabik,Sa mga looban ni Jehova.+
Buong puso at buong lakas akong humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.
3 Maging ang ibon ay nakakakita roon ng matitirhan,At ang ibong langay-langayan, ng mapamumugaran,Kung saan niya inaalagaan ang mga inakáy niyaMalapit sa iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo,Aking Hari at aking Diyos!
4 Maligaya ang mga nakatira sa bahay mo!+
Patuloy ka nilang pinupuri.+ (Selah)
5 Maligaya ang mga tao na kumukuha ng lakas sa iyo+At may pusong nakatuon sa mga lansangang-bayan.
6 Kapag dumadaan sila sa Lambak ng Baca,*Ginagawa nila itong lugar ng mga bukal;At dinaramtan ito ng mga pagpapala ng maagang ulan.*
7 Lalo silang lumalakas habang naglalakad;+Ang bawat isa ay humaharap sa Diyos sa Sion.
8 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang panalangin ko;Pakinggan mo ako, O Diyos ni Jacob. (Selah)
9 Tingnan mo, aming kalasag+ at aming Diyos,*Tingnan mo ang mukha ng iyong pinili.*+
10 Dahil ang isang araw sa mga looban mo ay mas mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar!+
Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking DiyosKaysa tumira sa mga tolda ng masasama.
11 Dahil ang Diyos na Jehova ay araw+ at kalasag;+Nagpapakita siya ng kabaitan at nagbibigay ng kaluwalhatian.
Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabutiSa mga lumalakad nang tapat.+
12 O Jehova ng mga hukbo,Maligaya ang tao na nagtitiwala sa iyo.+
Talababa
^ O “Mahal na mahal ko ang.”
^ O posibleng “At dinaramtan ng tagapagturo ang sarili niya ng mga pagpapala.”
^ O “lambak ng mga halamang baca.”
^ O posibleng “Tingnan mo ang kalasag namin, O Diyos.”
^ Lit., “pinahiran.”