Mga Awit 8:1-9
Sa direktor; sa Gitit.* Awit ni David.
8 O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa;Ginawa mong mas mataas pa kaysa sa langit ang kaluwalhatian mo!*+
2 Mula sa bibig ng mga bata at sanggol,+Ipinakita mo ang lakas mo sa mga kalaban mo,Para patahimikin ang kaaway at ang naghihiganti.
3 Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong kamay,*Ang buwan at ang mga bituin na inihanda mo,+
4 Ano ang hamak na tao para alalahanin mo,At ang anak ng tao para pangalagaan mo?+
5 Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga tulad-diyos,*At kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 Pinamahala mo siya sa mga gawa ng iyong kamay;+Inilagay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya:
7 Ang lahat ng kawan at mga baka,Pati na ang mga hayop sa parang,+
8 Ang mga ibon sa langit at ang mga isda sa dagat,Anumang lumalangoy sa karagatan.
9 O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa!
Talababa
^ O posibleng “Inihahayag sa kalangitan ang kaluwalhatian mo!”
^ Lit., “mga daliri.”
^ O “anghel.”

