EPISODE 5
“Namangha . . . sa Paraan Niya ng Pagtuturo”
(Haba: 30:47)
Pagkatapos magpagaling ni Jesus ng maraming tao, sinimulan niya ang Sermon sa Bundok—ang pinakakilaláng sermon niya. Mapapanood sa episode na ito ang sumusunod:
Nagturo si Jesus at nagpagaling ng marami (Lucas 6:17-19; Mateo 5:1)
Sinimulan ni Jesus ang Sermon sa Bundok; mga kaligayahan at kaawa-awang kalagayan (Mateo 5:2-12; Lucas 6:20-26)
“Asin ng mundo” at “liwanag ng sangkatauhan” (Mateo 5:13-16)
Tutuparin ni Jesus ang Kautusan (Mateo 5:17-20)
Payo tungkol sa galit at paglutas ng di-pagkakaunawaan (Mateo 5:21-26)
Payo tungkol sa pangangalunya at diborsiyo (Mateo 5:27-32)
Payo tungkol sa panunumpa, pagganti, at pag-ibig sa kaaway (Mateo 5:33-48; Lucas 6:27-30, 32-36)
Huwag magpakitang-tao (Mateo 6:1-4)
Kung paano mananalangin at ang modelong panalangin (Mateo 6:5-15)
Iwasan ang pakitang-taong pag-aayuno (Mateo 6:16-18)
Kayamanan sa lupa at sa langit (Mateo 6:19-24)
Huwag nang mag-alala; unahin ang Kaharian ng Diyos (Mateo 6:25-34)
Huwag nang humatol; maging mapagbigay (Mateo 7:1-6; Lucas 6:37-42)
Patuloy na humingi, maghanap, at kumatok (Mateo 7:7-11)
Gintong Tuntunin (Mateo 7:12; Lucas 6:31)
Makipot na pintuang-daan (Mateo 7:13, 14)
Huwad na mga propeta; makikilala ang puno sa bunga nito (Mateo 7:15-23; Lucas 6:43-46)
Bahay sa ibabaw ng malaking bato at bahay sa buhanginan (Mateo 7:24-27; Lucas 6:47-49)
Namangha ang mga tao sa paraan ng pagtuturo ni Jesus (Mateo 7:28, 29)

