JW.ORG WEBSITE
Mga Feature ng Video Player
Magpunta sa LIBRARY > VIDEO para makita ang lahat ng video na nakaayos ayon sa kategorya nito. Ang bawat kategorya naman ng video ay nahahati sa mga seksiyon.
Pag-adjust ng Setting ng Video
Mga Control sa Video Playback
Habang nagpe-play ang video, puwede mong i-tap ang mismong video o itapat ang mouse cursor sa video para lumilitaw ang mga control.
Button |
Mangyayari |
|---|---|
I-rewind ng 5 |
Aatras ang video ng 5 segundo |
I-fast forward ng 15 |
Aabante ang video ng 15 segundo |
Nauna |
Kung nagpe-play na ang video, babalik ito sa simula, o babalik sa naunang video |
Susunod |
Pupunta sa susunod na video |
Mute/Unmute |
Imu-mute at ia-unmute ang sound |
Full Screen/Exit Full Screen |
Idi-display ang video sa full-screen mode at aalisin sa full-screen mode |
Paggamit ng mga Touch Gesture
Para sa mga gadyet na touchscreen (maliban sa mga gadyet na Apple), gamitin ang sumusunod na mga gesture para makontrol ang video:
Gagawin |
Gesture |
|---|---|
I-play o I-pause |
I-tap ang 2 daliri |
I-rewind ng 5 segundo |
I-tap nang dalawang beses ang kaliwang bahagi |
I-fast forward ng 15 segundo |
I-tap nang dalawang beses ang kanang bahagi |
Pag-adjust ng Setting ng Video
Pindutin ang Setting button:
Piliin ang Subtitle para ipakita o itago ang subtitle, kung available ito
Piliin ang Speed para i-adjust ang bilis ng video
Piliin ang Quality para piliin ang resolution ng video na gusto mo. Mas praktikal ang mababang video quality para sa mga may mabagal na Internet connection at sa mga nagtitipid ng data. Ang mas mataas na video quality ay mas angkop sa malalaking screen

