JW.ORG WEBSITE
Gamitin ang Bibliya Para sa Pag-aaral (Study Bible)
Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) ay may pinahusay na mga tool para sa pag-aaral, gaya ng sumusunod:
Introduksiyon sa bawat aklat ng Bibliya, na kung minsan ay may kasamang video
Nilalaman, o sumaryo, ng bawat aklat ng Bibliya
Mga study note sa isang talata
Mga talababa sa salita o parirala
Mga marginal reference na nakakategorya
Media (mga larawan at video)
Mga apendise na may mapa, chart, at iba pang materyal sa pagsasaliksik
Audio recording ng mga kabanata
Salin ng teksto sa ibang bersiyon ng Bibliya
Ang edisyon sa pag-aaral ng aklat ng Mateo ay inilabas sa wikang Tagalog noong Hunyo 2020. Sa tuwing matatapos ihanda ang mga materyal para sa isang aklat, idinaragdag iyon sa edisyong ito.
Alamin kung paano gagamitin ang mga feature ng Bibliya Para sa Pag-aaral.
Kung paano pupunta sa aklat at kabanata
Magpunta sa LIBRARY > BIBLIYA ONLINE at i-click ang pabalat ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) o ang pamagat na may link para lumitaw ang Talaan ng Nilalaman.
Kapag may gem icon, may karagdagang impormasyon na puwedeng pag-aralan sa aklat na iyon ng Bibliya.
Kapag may headphone icon, may audio recording para sa aklat na iyon ng Bibliya.
I-click ang Grid View button para makita ang mga aklat ng Bibliya sa grid format. Ito ang normal na hitsura ng page na ito.
I-click ang List View button para makita ang listahan ng mga aklat ng Bibliya. Nasa magkahiwalay na kolum ang Hebreo-Aramaiko at Kristiyanong Griegong Kasulatan.
May mga link din para sa karagdagang materyal, gaya ng glosari, apendise, at media (mga larawan at video).
Subukan ang isa sa mga paraang ito para mabuksan ang isang aklat at kabanata sa Bibliya.
Paraan 1: Pumili ng aklat ng Bibliya sa Talaan ng Nilalaman. Makikita sa lalabas na page ang listahan ng mga kabanata; nilalaman, o sumaryo, ng aklat; at ang mga button para sa karagdagang mga feature (iba-iba ang available na materyal depende sa aklat):
Introduksiyon sa aklat ng Bibliya, pati video ng introduksiyon kung mayroon.
Nilalaman, o sumaryo, ng aklat.
Media gallery na may mga larawan at video na may kaugnayan sa aklat.
Piliin ang kabanata na gusto mong pag-aralan.
Paraan 2: Gamitin ang drop-down list sa itaas ng page para pumili ng aklat at kabanata ng Bibliya.
Kung paano gagamitin ang mga tool sa pag-aaral sa isang kabanata
Mababasa ang laman ng kabanata ng aklat sa Reading pane sa kaliwa ng screen, at ang Study pane naman ay nasa kanan. Sa maliliit na gadyet, hindi agad makikita ang Study pane, pero lalabas ito kapag pinindot ang numero ng isang talata, symbol ng isang talababa, o letra ng isang marginal reference.
I-click ang numero ng kabanata o talata para makita ang mga materyal sa pag-aaral na may kaugnayan dito.
I-click ang symbol ng talababa para makita ang talababa na may kaugnayan sa isang salita o parirala.
I-click ang letra ng marginal reference para lumitaw ang mga marginal reference sa Study pane at ang laman ng mga teksto.
Para marinig ang audio recording ng isang kabanata mula sa isang partikular na talata, i-click ang mismong teksto at pindutin ang Play button.
Para marinig ang audio recording ng isang kabanata mula sa simula, pindutin ang Play button sa audio bar sa itaas ng page.
Para i-pause ang recording, pindutin ang Pause button sa audio bar sa itaas ng page.
I-click ang Gem button sa Study pane para lumitaw ang mga study note, talababa, marginal reference, at media para sa kabanata. (Awtomatikong lumilitaw ang Gem tab kapag binuksan mo ang isang kabanata.)
I-click ang Parallel Translation button sa Study pane para makita ang ibang salin ng talata.
I-click ang Marginal Reference button sa Study pane para makita ang listahan ng nakakategoryang marginal reference para sa kabanata.
Gem tab
Ang unang makikita sa Gem tab ay ang pinakasumaryo ng kabanata. Kung may karagdagan pang mga detalye, i-click ang plus sign (+) para makita iyon o ang minus sign (-) para itago iyon.
Pagkatapos ng nilalaman, o sumaryo, puwedeng lumitaw ang sumusunod na impormasyong may kaugnayan sa bawat talata:
Mga study note: Impormasyon tungkol sa teksto.
I-click ang link ng reperensiya, gaya ng mga termino sa Glosari o artikulo sa Apendise, para mabasa ito sa dialog box.
Media: Mga larawan o video na may kaugnayan sa talata. I-click ang larawan o ang deskripsiyon nito para mabuksan ang Media Gallery.
Mga talababa: Karagdagang impormasyon sa mga salita o parirala sa talata.
Mga marginal reference: Mga marginal reference na may kaugnayan sa mga salita o parirala sa talata. I-click ang plus sign (+) para lumabas ang laman ng teksto, o i-click ang minus sign (-) para itago ang laman ng teksto.
Sa Reading pane, i-click ang numero ng talata, symbol ng talababa, o letra ng marginal reference para lumitaw ang laman nito sa Study pane.
Parallel Translation tab
Makikita sa Parallel Translation tab ang salin ng teksto sa ibang Bibliya. I-click ang isang teksto sa Reading pane para lumabas ang ibang salin ng talatang iyon.
Marginal Reference tab
Makikita sa Marginal Reference tab ang mga marginal reference sa kabanata na nakagrupo sa tatlong kategorya:
Kaparehong Ulat: Mga teksto sa ibang aklat o kabanata na nag-uulat ng kaparehong pangyayari.
Pagsipi: Mga teksto kung saan kinuha ang mga sinipi sa kabanata.
Iba Pa: Mga tekstong kaugnay ng binanggit na tao, lugar, o parirala. Puwede rin itong maglaman ng katuparan ng hula o ng kaugnay na prinsipyo.
I-click ang plus sign (+) para lumabas ang laman ng mga marginal reference sa isang talata, o i-click ang minus sign (-) para itago ang laman ng mga ito.
I-check ang box na I-highlight Lahat na katabi ng kategorya ng marginal reference para ma-highlight sa Reading pane ang lahat ng marginal reference sa kategoryang iyon. Makakatulong ito kung gusto mong makita ang mga teksto kung saan sumipi ang isang manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan mula sa Hebreong Kasulatan.
Kung paano makikita ang mga larawan at video sa isang aklat
Makikita sa Media Gallery ang mga larawan at video na may kaugnayan sa bawat aklat ng Bibliya. Lumilitaw ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakabanggit sa mga ito sa aklat.
Subukan ang isa sa mga paraang ito para mapuntahan ang Media Gallery:
I-click ang isang larawan sa Study pane.
Sa page na Talaan ng Nilalaman o sa drop-down list, piliin ang Media Gallery.
May tatlong bahagi ang Media Gallery:
Larawan o video. I-click ang Left Arrow o Right Arrow button para makita ang nauna o susunod na media item.
Kapsiyon sa larawan at kaugnay na mga teksto kung saan lilitaw ang larawang ito sa Study pane.
Sa maliliit na gadyet, i-tap ang Up Arrow button para makita ang kapsiyon at i-tap ang Down Arrow button para itago ito.
Maliliit na larawan ng mga media item sa ibaba. I-click ang Left Arrow o Right Arrow button para makita ang iba pang larawan. I-click ang larawan para makita ang laman nito o ang video.
Kung may audio recording ang isang kapsiyon, i-click ang Play button para mapakinggan ito.
Kung magpe-play ka ng video, gamitin ang mga button para i-play, i-pause, o panoorin ito nang full screen.
Kung paano gagamitin ang glosari, apendise, at nilalaman, o sumaryo, ng aklat
May dalawang paraan para mapuntahan ang mga reperensiyang ito:
I-click ang link ng reperensiya sa Study pane.
Piliin ang isa sa mga reperensiyang ito mula sa page na Talaan ng Nilalaman o sa drop-down list.
Ang ilang nilalaman, o sumaryo, ng mga aklat ay puwedeng i-expand. I-click ang plus sign (+) para i-expand ang isang seksiyon o ang minus sign (-) para itago ito.
May mga apendise na makikita sa dalawang format—isang buong larawan (katulad ng nasa nakaimprentang Bagong Sanlibutang Salin) o magkabukod na text at larawan.
Buong larawan. I-click ang larawan para mabuksan ito sa Image Viewer.
Magkabukod na text at larawan. Sa format na ito, puwede mong i-click ang mga link ng teksto o iba pang reperensiya para lumitaw ang impormasyon sa Study pane.