Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

JW Broadcasting

Ang JW Broadcasting ay isang pampamilyang online TV na tumutulong para mapalapít tayo sa Diyos. Mapapanood mo rito ang mga video na ginawa mismo sa JW Broadcasting studio, pati na ang pilíng mga video mula sa website na jw.org. Puwede ka ring manood sa mga Streaming channel na nagpapalabas ng mga video 24-oras, o maghanap at manood ng video sa seksiyon na Video. Magpunta naman sa seksiyon na Audio para makinig ng iba’t ibang audio program, kasama na ang musika, drama, at audio drama ng pagbabasa ng Bibliya.

Manood online sa tv.jw.org sa computer, tablet, o smartphone. Puwede ring manood sa iyong TV gamit ang Amazon Fire TV, Apple TV, o Roku digital media player.

 

Streaming

  • Tuloy-tuloy na pagpapalabas ng mga video na nakaiskedyul sa bawat channel, 24 oras araw-araw.

  • Panoorin ang iba’t ibang channel gaya ng Tampok na Programa, Pelikula, Mga Bata, Tin-edyer, Mga Programa at Okasyon.

  • Tingnan ang channel guide para makita ang susunod na palabas.

Video on Demand

  • Ang bawat kategorya ay may isa o higit pang koleksiyon ng mga video.

  • Manood ng isang video, o puwedeng gamitin ang Play All para panoorin ang lahat ng video sa isang koleksiyon.

  • Habang naka-play ang video, puwede mo itong i-pause, i-play, i-rewind, i-fast forward, o i-skip.

Audio

  • May iba’t ibang koleksiyon ng audio (musika, dramatic Bible reading, at iba pa).

  • Makinig sa isang audio program, o gamitin ang Play All para mapakinggan ang isang buong koleksiyon.

  • Gamitin ang Shuffle para mapakinggan ang mga programa sa isang koleksiyon nang hindi sunod-sunod.

Mga Paraan Para Manood sa JW Brodcasting

  • TV.JW.ORG: Gumagana sa halos lahat ng may Internet na computer, tablet, at smartphone na nakakapag-run ng JavaScript. Kung nakakapag-play ng video sa jw.org ang computer o gadyet mo, kaya rin nito ang tv.jw.org.

  • Roku app: Roku LT, Roku 1, Roku 2, Roku 3, Roku Streaming Stick.

  • Google Chromecast: Puwede mong ipalabas sa TV ang video mula sa Chrome browser kapag mayroong Chromecast device.

  • Apple TV app: Apple TV (4th generation).

  • Amazon Fire TV app:  Amazon Fire TV at Fire TV Stick.