Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Shell ng Beetle na Cyphochilus

Shell ng Beetle na Cyphochilus

Ang shell ng beetle na Cyphochilus ay may nagkakapatung-patong na mga kaliskis na sampung ulit na mas manipis sa buhok ng tao. “Nang silipin ko ito sa electron microscope, parang ibang daigdig ang tinitingnan ko,” ang sabi ni Dr. Pete Vukusic ng Exeter University sa Britanya. “Talagang kakaiba ito.”

Pag-isipan ito: Natuklasan ni Vukusic ang dahilan kung bakit napakaputi ng beetle, na walang kinalaman sa sangkap na pangkulay nito. Ang sekreto ay nasa sukat at agwat ng mga hiblang bumubuo sa kaliskis. Ito ang dahilan kung bakit napakahusay ng pagkalat nito ng liwanag. “Ang mga kemikal na ginagamit sa mga pabrika, gaya ng inihahalo sa mga de-kalidad na papel, mga plastik at ilang pintura, ay kailangang doble ang lapot para maging kasimputi [ng Cyphochilus],” ang ulat ng Science Daily.

Sinasabi ng mga siyentipiko na dahil sa kaputian ng shell ng Cyphochilus, hindi na ito napapansin kapag katabi ng mga puting fungus, kung saan madalas itong matagpuan. Pero mas interesado ang mga eksperto kung paano mapapakinabangan ng mga tao ang sekreto ng kulay ng maliit na beetle na ito​—halimbawa, sa paggawa ng napakaputing sintetikong mga materyales. Sinabi ni Vukusic na ang mga bagay gaya ng papel na sinusulatan natin, ang kulay ng ating ngipin, at maging ang liwanag ng mga ilaw ay “mas huhusay pa kung magagaya ang mga disenyo na matututuhan natin sa beetle na ito.”

Ano sa palagay mo? Nagkataon lamang ba ang maputing shell ng beetle na Cyphochilus? O may nagdisenyo nito?

[Larawan sa pahina 24]

Sinliit ng dulo ng iyong daliri ang “beetle” na “Cyphochilus” (pinalaki ang larawan)

[Credit Line]

Department of Entomology, Kasetsart University, Bangkok