Mikas 2:1-13
2 “Sa aba niyaong mga nagpapakana ng bagay na nakapipinsala, at niyaong mga nagsasagawa ng masama, habang nasa kanilang mga higaan!+ Sa liwanag ng umaga ay ginagawa nila iyon,+ sapagkat iyon ay nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.+
2 At nagnanasa sila ng mga bukid at inaagaw ang mga iyon;+ ng mga bahay rin, at kinukuha ang mga iyon; at dinadaya nila ang matipunong lalaki at ang kaniyang sambahayan,+ ang isang lalaki at ang kaniyang minanang pag-aari.+
3 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Narito, nag-iisip ako laban sa pamilyang+ ito ng isang kapahamakan+ na mula roon ay hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg,+ upang hindi kayo lumakad nang may kapalaluan;+ sapagkat iyon ay panahon ng kapahamakan.+
4 Sa araw na iyon ay may magbabangon tungkol sa inyo ng isang kasabihan+ at mananaghoy ng isang panaghoy, ng isa ngang panaghoy.+ Ang isa ay magsasabi: “Kami ay talagang sinamsaman!+ Ang mismong takdang bahagi ng aking bayan ay binabago niya.+ Ano’t inaalis niya iyon sa akin! Sa di-tapat ay hinahati-hati niya ang aming sariling mga bukid.”
5 Kaya hindi ka magkakaroon ng sinumang maghahagis ng panali, sa pamamagitan ng palabunutan,+ sa kongregasyon ni Jehova.
6 Huwag kayong magbitiw ng mga salita.+ Nagbibitiw sila ng mga salita. Hindi sila magbibitiw ng mga salita may kinalaman sa mga bagay na ito. Ang mga kahihiyan ay hindi lilisan.+
7 “ ‘Sinasabi nga ba, O sambahayan ni Jacob:+ “Ang espiritu ba ni Jehova ay hindi na nasisiyahan, o ito ba ang kaniyang mga pakikitungo?”+ Hindi ba nakabubuti ang aking mga salita+ para sa isa na lumalakad nang matuwid?+
8 “ ‘At kahapon ay bumangon ang aking sariling bayan bilang isang tunay na kaaway.+ Mula sa harap ng kasuutan ay hinuhubad ninyo ang maringal na palamuti, mula sa mga nagdaraan nang panatag, tulad ng mga bumabalik mula sa digmaan.
9 Ang mga babae sa aking bayan ay pinalalayas ninyo mula sa bahay na masidhing kinalulugdan ng isang babae. Mula sa kaniyang mga anak ay kinukuha ninyo ang aking karilagan,+ hanggang sa panahong walang takda.+
10 Bumangon kayo at yumaon,+ sapagkat hindi ito pahingahang-dako.+ Sa dahilang siya ay naging marumi,+ mayroon ngang panggigiba; at ang gawaing panggigiba ay masakit.+
11 Kung ang isang tao, na lumalakad ayon sa hangin at kabulaanan, ay magsabi ng kasinungalingan:+ “Magbibitiw ako sa iyo ng mga salita tungkol sa alak at tungkol sa nakalalangong inumin,” tiyak na siya rin ang magbibitiw ng mga salita para sa bayang ito.+
12 “ ‘Tiyak na titipunin ko ang Jacob, kayong lahat;+ walang pagsalang pipisanin ko ang mga nalalabi sa Israel.+ Ilalagay ko sila sa pagkakaisa, tulad ng mga tupa sa kural, tulad ng isang kawan sa gitna ng pastulan nito;+ sila ay magiging maingay dahil sa mga tao.’+
13 “Yaong nagbubukas ng daan ay aahong una sa kanila:+ magbubukas nga sila ng daan. At daraan sila sa isang pintuang-daan, at lalabas sila mula roon.+ At ang kanilang hari ay daraang una sa kanila, at si Jehova ang nasa unahan nila.”+