OKTUBRE 28, 2019
ANO’NG BAGO?

Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Wikang Maya, Telugu, at Tzotzil

Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Wikang Maya, Telugu, at Tzotzil

Noong Oktubre 25, 2019, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Maya, sa Mérida, Yucatán, Mexico. Nang araw ding iyon, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Telugu sa Hyderabad, India, at sa wikang Tzotzil sa Tuxtla Gutiérrez, Chiapas, Mexico. Ang buong Bagong Sanlibutang Salin o bahagi nito ay naisalin na sa 185 wika.