ANG MABUTING BALITA AYON KAY JESUS

Episode 1: Ang Tunay na Liwanag ng Mundo

Tagalog
Episode 1: Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/1112023101/univ/art/1112023101_univ_sqr_xl.jpg

EPISODE 1

Ang Tunay na Liwanag ng Mundo

Ang Tunay na Liwanag ng Mundo

(Haba: 1:11:01)

Napili sina Jose at Maria na palakihin si Jesus, isang natatanging bata. Mapapanood sa episode na ito ang sumusunod:

  • Sa simula pa lang, ang Salita ay kasama na ng Diyos at isa siyang diyos (Juan 1:1, 2)

  • Ang Salita ay ginamit ng Diyos sa paggawa ng lahat ng iba pang bagay (Juan 1:3a)

  • Nagkaroon ng buhay at liwanag sa pamamagitan ng Salita (Juan 1:3b, 4)

  • Hindi natatalo ng kadiliman ang liwanag (Juan 1:5)

  • Sinabi ni Lucas kung bakit niya isinulat ang Ebanghelyo; kausap niya si Teofilo (Lucas 1:1-4)

  • Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Juan Bautista (Lucas 1:5-25)

  • Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Jesus (Lucas 1:26-38)

  • Dinalaw ni Maria ang kamag-anak niyang si Elisabet (Lucas 1:39-45)

  • Dinakila ni Maria si Jehova (Lucas 1:46-56)

  • Pagsilang at pagpapangalan kay Juan (Lucas 1:57-66)

  • Hula ni Zacarias (Lucas 1:67-80)

  • Pagdadalang-tao ni Maria sa pamamagitan ng banal na espiritu at ang reaksiyon ni Jose (Mateo 1:18-25)

  • Nagpunta sina Jose at Maria sa Betlehem; isinilang si Jesus (Lucas 2:1-7)

  • Nagpakita ang mga anghel sa mga pastol na nasa labas (Lucas 2:8-14)

  • Nagpunta ang mga pastol sa sabsaban (Lucas 2:15-20)

  • Dinala si Jesus sa templo para iharap kay Jehova (Lucas 2:21-24)

  • Nagkapribilehiyo si Simeon na makita ang Kristo (Lucas 2:25-35)

  • Nagsalita si Ana tungkol sa bata (Lucas 2:36-38)

  • Pagdalaw ng mga astrologo at planong pagpatay ni Herodes (Mateo 2:1-12)

  • Dinala ni Jose sina Maria at Jesus at tumakas papuntang Ehipto (Mateo 2:13-15)

  • Ipinapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng distrito nito (Mateo 2:16-18)

  • Tumira sa Nazaret ang pamilya ni Jesus (Mateo 2:19-23; Lucas 2:39, 40)

  • Ang 12-taóng-gulang na si Jesus sa templo (Lucas 2:41-50)

  • Bumalik si Jesus sa Nazaret kasama ng mga magulang niya (Lucas 2:51, 52)

  • Ang tunay na liwanag ay paparating na sa sangkatauhan (Juan 1:9)