Tagalog
Karaniwang mga Tanong—Watchtower Library
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/802013318/univ/art/802013318_univ_sqr_xl.jpg

WATCHTOWER LIBRARY

Karaniwang mga Tanong—Watchtower Library

Karaniwang mga Tanong—Watchtower Library

Kailangang naka-Microsoft Windows 10 o mas bago ang computer o laptop mo para gumana ang Watchtower Library. Kapag ARM ang processor ng computer mo, dapat na naka-Windows 11 ito.

Para maging secure at mas mabilis ang paggamit ng Watchtower Library, mas maganda na mas mataas sa minimum requirement ang specs ng computer mo. Kaya inirerekomenda namin na laging updated ang operating system ng device mo. Kung hindi mo na ito magawa, posibleng hindi gumana ang application.