Tulong Kapag Namatay ang Isang Minamahal

Tulong Kapag Namatay ang Isang Minamahal

Tulong Kapag Namatay ang Isang Minamahal

Noong nakalipas na ilang taon, naglathala ang mga Saksi ni Jehova ng isang brosyur na tumatalakay sa hamon ng pagharap sa kamatayan ng isang minamahal. Kamakailan, isang liham ang natanggap mula sa isang mapagpahalagang mambabasa sa Federal Republic of Yugoslavia, na sumulat: “Nais ko po kayong pasalamatan mula sa kaibuturan ng aking puso sa brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Talagang tinatalakay nito ang bawat detalye hinggil sa pagkamatay ng isang minamahal.”

Ipinaliwanag ng sumulat: “Nang mamatay ang aking kuya sa isang aksidente sa sasakyan, binigyan ako ng brosyur ng ‘tulong sa panahon ng kagipitan.’ Ang bahaging ‘Ilang Praktikal na mga Mungkahi,’ sa pahina 18, ay talagang nakaaliw sa akin. Gayunman, pagkalipas ng apat na buwan ay nakadama ako ng napakatinding kirot kasabay ng pananabik sa nakaraan. Natakot ako na baka nanganganib na ang aking emosyonal na kalusugan.

“Binasa kong muli ang brosyur na ito, at sa pahina 9 sa kahong ‘Ang Paraan ng Pagdadalamhati,’ napansin ko na ang yugto ng pagpapatatag ng kalooban ay may kalakip na kalungkutan at pananabik sa nakaraan. Talagang naaliw ako. Salamat sa inyong magiliw na kaawaan, na inyong ipinamalas sa pamamagitan ng brosyur na ito.”

Marahil ikaw o sinumang kakilala mo ay makatatanggap din ng kaaliwan sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong makikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.