Amos 3:1-15

3  “Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ni Jehova may kinalaman sa inyo,+ O mga anak ni Israel, may kinalaman sa buong pamilya na iniahon ko mula sa lupain ng Ehipto,+ na sinasabi, 2  ‘Kayo lamang ang kinilala ko+ sa lahat ng mga pamilya sa lupa.+ Kaya naman hihingi ako ng pagsusulit laban sa inyo dahil sa lahat ng inyong mga kamalian.+ 3  “ ‘Magkasama bang lalakad ang dalawa malibang nagtagpo sila ayon sa pinagkasunduan?+ 4  Uungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang nasila?+ Ilalakas ba ng may-kilíng na batang leon ang kaniyang tinig mula sa kaniyang taguang dako kung wala siyang anumang nahuli? 5  Mahuhulog ba ang ibon sa bitag na nasa lupa kung walang silo para rito?+ Umiigkas ba ang bitag mula sa lupa kung wala naman itong nahuli? 6  Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba nanginginig din ang bayan?+ Kapag may kapahamakang sumapit sa lunsod, hindi ba si Jehova rin ang siyang kumilos? 7  Sapagkat ang Soberanong Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anumang bagay malibang naisiwalat na niya ang kaniyang lihim na bagay sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.+ 8  Isang leon ang umungal!+ Sino ang hindi matatakot? Ang Soberanong Panginoong Jehova mismo ay nagsalita! Sino ang hindi manghuhula?’+ 9  “ ‘Ipahayag ninyo iyon sa mga tirahang tore sa Asdod at sa mga tirahang tore sa lupain ng Ehipto,+ at sabihin ninyo: “Matipon kayo laban sa mga bundok ng Samaria,+ at tingnan ninyo ang maraming kaguluhan sa gitna niya at ang mga pandaraya sa loob niya.+ 10  At hindi sila natutong gumawa ng matuwid,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga nag-iimbak ng karahasan+ at pananamsam sa kanilang mga tirahang tore.” ’ 11  “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘May isang kalaban sa palibot ng lupain,+ at tiyak na ibabagsak niya ang iyong lakas mula sa iyo, at ang iyong mga tirahang tore ay talagang darambungin.’+ 12  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung paanong inaagaw ng pastol mula sa bibig ng leon ang dalawang binti o isang piraso ng tainga,+ gayon aagawin ang mga anak ni Israel, silang mga nakaupo sa Samaria sa marangyang higaan+ at sa kama+ ng taga-Damasco.’ 13  “ ‘Dinggin ninyo at magpatotoo+ kayo sa sambahayan ni Jacob,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, na Diyos ng mga hukbo. 14  ‘Sapagkat, sa araw ng paghingi ko ng pagsusulit+ dahil sa mga pagsalansang ng Israel laban sa kaniya, hihingi rin ako ng pagsusulit laban sa mga altar ng Bethel;+ at ang mga sungay ng altar ay puputulin at malalaglag sa lupa.+ 15  At pababagsakin ko ang bahay na pantaglamig+ bukod pa sa bahay na pantag-araw.’+ “ ‘At ang mga bahay na garing ay maglalaho,+ at maraming bahay ang sasapit sa kawakasan nito,’+ ang sabi ni Jehova.”

Talababa