Kaunawaan sa Kasulatan

Log

Tagalog
Log
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Log

Log

 Ang pinakamaliit na panukat ng likido na binanggit sa Bibliya. Ipinahihiwatig ng mga katibayan sa Talmud na ang log ay katumbas ng ikalabindalawa ng isang hin, o 0.014 bat. Batay sa mga tuklas sa arkeolohiya, ang bat ay tinatayang may sukat na 22 L (5.81 gal). Kung tama ang sukat na ito, ang isang takal na log ay makapaglalaman ng mga 0.31 L (0.66 pt). Ang isang takal na log ng langis ay bahagi ng itinakdang handog ng isang nilinis na ketongin.​—Lev 14:2, 10, 12, 15, 21, 24.