Kaunawaan sa Kasulatan

Azarel

Tagalog
Azarel
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Azarel

Azarel

 [Ang Diyos ay Tumulong].

  1. Isa sa makapangyarihang mga lalaki na sumama kay David sa Ziklag.​—1Cr 12:1, 6.

  2. Ulo ng ika-11 sa 24 na pangkat ng mga mang-aawit sa templo noong panahon ni David; tinatawag ding Uziel.​—1Cr 25:1, 4, 18.

  3. Anak ni Jeroham at prinsipe ng tribo ni Dan sa ilalim ng pamamahala ni David.​—1Cr 27:22; 28:1.

  4. Isa sa mga inapo ni Binui na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak dahil sa paghimok ni Ezra.​—Ezr 10:19, 38-41, 44.

  5. Ama o ninuno ni Amashai na nanahanan sa Jerusalem sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Nehemias. Siya ay mula sa makasaserdoteng sambahayan ni Imer.​—Ne 11:1, 13.

  6. Isang manunugtog sa prusisyong pinangunahan ni Ezra habang naglalakad sila sa ibabaw ng muling-itinayong pader ng Jerusalem noong pasinayaan ito. Marahil ay siya rin ang Blg. 5.​—Ne 12:31, 36.