Kaunawaan sa Kasulatan

Atarim

Tagalog
Atarim
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Atarim

Atarim

 Iniulat sa Bibliya na ang mga Israelita ay naglakbay “sa daan ng Atarim” noong patungo sila sa Lupang Pangako mula sa Kades-barnea na dumaraan sa Bundok Hor. (Bil 21:1) Kaagad naman silang sinalakay ng hari ng Arad sa rehiyon ng Negeb. Ang Atarim ay maaaring tumutukoy sa isang lugar o sa isang partikular na ruta.