Kasunduan sa Paggamit
Paalala sa mga User: Ang dokumentong ito ay nagsisilbing legal na kontrata para sa mga user. Pakibasa rin ang artikulong “Bakit hindi dapat i-post ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova sa personal na website o sa social media?”
Ang app na ito (ang “Application” o “App”) ay tutulong sa iyo na matuto pa nang higit tungkol sa Diyos, sa Bibliya, at sa mga Saksi ni Jehova. Basahin, panoorin, at i-download ang content na gusto mo. Gusto rin naming makinabang ang iba sa Application na ito, pero hindi mo puwedeng kopyahin ang nilalaman nito sa ibang website o application. Puwede mong ibahagi ang mga natutuhan mo sa iba at sabihin sa kanila na i-download din ang Application na ito.
Ang Kasunduan sa Paggamit na ito (ang “Kasunduan” na ito) ay isang legal na kasunduan sa pagitan mo, isang user ng Application (“iyo,” “iyong,” “mo,” “mong,” “ka,” “kang,” o “ikaw”) at ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., isang non-profit na korporasyon sa New York (“Watchtower,” “namin,” “naming,” “kami,” “amin,” o “aming”). Kapag malinaw na ipinahiwatig sa ibaba, may mga espesipikong tuntunin na naaangkop sa iyo kung isa kang indibidwal na “habitual resident” (nakatira sa bansa pero hindi mamamayan) ng European Union (EU), European Economic Area (EEA), o Switzerland (na magkakasamang tinutukoy bilang “Mga Itinakdang Bansa”).
Anumang update, enhancement, bagong feature, at/o pagdaragdag ng anumang bagong property ng Application ay saklaw ng Kasunduan na ito. Maaari naming rebisahin, baguhin, o tapusin ang Kasunduan na ito anumang oras ayon sa sarili naming desisyon. Sinasang-ayunan mo na ang gayong pagbabago, pagrerebisa, o pagtatapos ng Kasunduan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa paggamit mo ng Application. Aabisuhan ka namin tungkol sa anumang malaking pagbabago sa Kasunduan na ito sa susunod na paggamit mo ng Application. Kung hindi ka sang-ayon sa rebisyon at/o binagong bersiyon ng Kasunduan sa Paggamit, hindi ka na pahihintulutang magpatuloy sa paggamit ng Application.
Ang hindi mo pagsunod sa lahat o sa ilang bahagi ng Kasunduan na ito (sa sarili naming desisyon) ay paglabag sa mga nakasaad dito at puwede kang tanggalan agad ng access at/o pahintulot sa paggamit ng Application na ito. Malinaw kang sumasang-ayon na maaari naming tanggalin ang access at/o pahintulot mo sa paggamit ng Application sa sarili naming desisyon, anuman ang dahilan o kahit walang dahilan.
SA PAG-CLICK SA BUTTON NA “SANG-AYON” NA KAUGNAY NG KASUNDUAN NA ITO O SA PAG-DOWNLOAD, PAG-INSTALL, PAGKOPYA, O ANUMANG IBA PANG PAGGAMIT NG AMING APPLICATION, IPINAPAKITA MONG SUMASANG-AYON KANG MAPASAILALIM SA KASUNDUAN NA ITO. ANG IYONG PAHINTULOT SA PAGGAMIT NG APPLICATION AY NAKADEPENDE SA PAGTANGGAP MO SA KASUNDUAN NA ITO. KUNG HINDI KA SUMASANG-AYON NA SUNDIN ANG MGA PROBISYON NG KASUNDUAN NA ITO, HUWAG I-INSTALL, KOPYAHIN, O GAMITIN ANG APPLICATION, AT DAPAT MO RING BURAHIN AGAD ANG LAHAT NG KOPYA NG APPLICATION SA IYONG DEVICE.
1. PAGKAKALOOB NG PAHINTULOT SA PAGGAMIT. Ang Application na ito ay hindi ibinebenta, pero pinahihintulutan kang gamitin ito alinsunod sa mga nakasaad sa Kasunduan na ito. Sa pagsunod mo at patuloy na pagsunod sa lahat ng probisyon ng Kasunduan na ito, pinagkakalooban ka ng Watchtower ng karapatan na i-access, gamitin, i-install, buksan, i-store, i-display, at i-run ang Application sa mga device na pag-aari o kontrolado mo sa layuning nakasaad sa Kasunduan na ito o ayon sa iba pang nasusulat na instruksiyon na ibibigay o sasabihin ng Watchtower. Pero ang di-eksklusibong karapatang ito ay limitado, puwedeng bawiin, at hindi puwedeng ilipat o ipagamit sa iba. Ang mga nakasaad sa Kasunduan na ito ang masusunod sa anumang upgrade na ibibigay ng Watchtower na papalit at/o magdaragdag sa orihinal na Application, maliban kung may hiwalay na pahintulot sa paggamit (o, license) ang gayong upgrade. Sa gayong kaso, ang mga nakasaad sa license na iyon ang masusunod. Ang ilang bahagi ng Application ay mayroon ding sinusunod na mga license na base sa naaangkop na mga open-source o iba pang third-party na service. Kapag magkasalungat ang mga nakasaad sa Kasunduan na ito at sa alinman sa gayong mga license, ang mga license na iyon ang susundin ng mga bahaging iyon ng Application.
2. PAGPAPANATILI NG KARAPATAN AT PAG-AARI; THIRD-PARTY CONTENT, MGA TRADEMARK. Pagmamay-ari ng Watchtower ang lahat ng karapatang may kaugnayan sa Application na hindi binanggit sa Kasunduan na ito. Ang Application ay protektado ng copyright at ng iba pang mga batas at kasunduan. Sa pagitan mo at ng Watchtower, ang Watchtower ang nagmamay-ari ng lahat ng karapatan, titulo, at interes sa at kaugnay ng Application. Malibang may ibang ipinahiwatig, (i) ang lahat ng nilalamang nasa loob ng Application na ito at (ii) ang lahat ng trademark na kaugnay ng Application ay pag-aari ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania (“Watch Tower”). Upang maiwasan ang anumang pagdududa, ang lahat ng intellectual property na ipinahintulot ng isang third-party supplier para gamitin ng Watchtower o ng Watch Tower at isinama sa Application ay mananatiling pag-aari ng naturang third party. Sumasang-ayon kang hindi aalisin, itatago, o sa iba pang paraan ay babaguhin ang anumang abiso ng copyright, trademark, o iba pang abiso ng pagmamay-ari o pagkakakilanlan ng pinagmulan na nasa loob ng o kaugnay ng Application (kasama na ang, pero hindi limitado sa, mga nakalista sa mga attribution ng open source license) (“Mga Attribution”). Hindi namin magagawa at hindi namin ginagarantiyahan ang access sa impormasyon o iba pang nilalaman na pag-aari ng alinmang third party na maa-access mo sa pamamagitan ng Application (kung mayroon man).
Ang Adobe, logo ng Adobe, Acrobat, at logo ng Acrobat ay mga trademark ng Adobe Systems Incorporated. Ang iTunes at iPod ay mga trademark ng Apple Inc. Ang Microsoft, logo ng Microsoft, at mga pangalan ng anumang software at produkto ng Microsoft, kasama ang Microsoft Office at Microsoft Office 365, ay mga trademark ng Microsoft Inc. Ang Android ay isang trademark ng Google LLC. Ang Android robot ay kinopya o binago mula sa ginawa at ibinahagi ng Google at ginamit ayon sa mga tuntuning nakasaad sa Creative Commons 3.0 Attribution License (https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/us/). Ang lahat ng iba pang trademark at rehistradong trademark ay pag-aari ng mga nagmamay-ari nito.
3. RESTRIKSIYON SA PAGGAMIT. Ang Application ay inilaan lang para sa personal mong paggamit gaya ng inilalarawan sa Kasunduan na ito o gaya ng iba pang tagubilin o paglalarawan ng Watchtower sa pamamagitan ng sulat. Sumasang-ayon ka na hindi mo gagawin at hindi mo pahihintulutan ang sinuman, nang direkta man o di-tuwiran, na: (a) ipaupa, ipahiram, ibenta, muling ibenta, ilipat, ibigay, paramihin, kopyahin, ilathala, i-transmit, i-sublicense, ipamahagi, lumikha ng bagong mga gawa mula sa o sa iba pang paraan ay ipakalat, gamitin para sa sariling pakinabang, o ipagamit ang alinmang bahagi o ang kabuoan ng Application, (b) i-reverse engineer, i-decompile, baguhin, i-adapt, i-translate, o i-disassemble ang alinmang bahagi o ang kabuoan ng Application, kasama na ang, pero hindi limitado sa, alinman sa mga nakapailalim nitong ideya, mga algorithm o istraktura, o gamitin ang Application para gumawa ng mga bagong application, program, produkto, o serbisyo (maliban kung at hanggang sa lawak na ipinahihintulot ng mga tuntunin sa paglilisensiya ng anumang bahagi ng open source na kasama sa Application), (c) alisin o sa iba pang paraan ay baguhin ang anumang mga trademark, trade name, service name, graphics, disenyo, logo, header ng pahina, button icon, mga script, mga commercial marking, trade dress, o anumang iba pang proprietary right na lumalabas sa Application (kasama na ang, pero hindi limitado sa, mga trademark na “JW” at “JW.ORG”) o anumang iba pang trademark, (d) ipakita ang pangalan, logo, trademark, o iba pang pagkakakilanlan ng sinumang indibidwal o entity sa paraang magbibigay ng impresyon sa iba na ang naturang indibidwal o entity ay isang tagapaglathala o tagapamahagi ng Application, o (e) gumamit, mag-post, mag-transmit, o magpasok ng anumang device, software, o routine na nakikialam o nagtatangkang makialam sa operation ng anumang aspekto ng Application, (f) irehistro, magtangkang irehistro, o tulungan ang iba na magrehistro ng anumang mga trademark, logo, domain name, at iba pang feature ng brand, copyright, o iba pang proprietary right ng Watchtower, Watch Tower, o alinman sa kanilang mga cooperating entity; (g) alisin, baguhin, o palabuin ang anumang nakalagay sa copyright, trademark, o iba pang proprietary right na lumalabas sa o nasa anumang item na kasama sa Application, (h) mag-transmit, mag-store, o magproseso ng impormasyon tungkol sa kalusugan na nakapailalim sa mga regulasyon ng United States HIPAA, o (i) gamitin ang Application sa paraang hindi na saklaw ng pahintulot na ipinagkaloob sa Kasunduan na ito. Dapat kang sumunod (at huwag sadyaing lumabag) sa Google APIs Terms of Service.
Bagaman sumasang-ayon kang sumunod sa mga restriksiyon sa paggamit na nabanggit sa itaas, puwede kang humiling ng espesipikong pahintulot na magsagawa ng reverse engineering, mag-decompile, gumawa ng pagbabago, mag-adapt, mag-translate, o mag-disassemble ng alinmang bahagi o ng buong Application, kasama na ang, pero hindi limitado sa, alinman sa mga ideya, algorithm, o istraktura nito, o gamitin ang Application para gumawa ng mga bagong application, program, produkto, o serbisyo. Ang Watchtower ang magbibigay ng pahintulot ayon sa sarili nitong pagpapasiya. Para humiling ng espesipikong pahintulot na ito, makipag-ugnayan sa Watchtower sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa DeveloperSupport@jw.org.
Kung hindi mo mahigpit na nasunod o ng Watchtower ang alinmang probisyon sa Kasunduan na ito o kung mabigong magamit ang anumang karapatan o kung mabigong maayos ang paglabag ayon sa probisyong nasa ilalim ng Kasunduan o ng mga kaugnay nito ay hindi ituturing na pagpapawalang-bisa sa karapatan at hindi rin magreresulta sa pagbawas ng mga obligasyong itinatag ng Kasunduan na ito. Ang pagpapawalang-sala sa unang paglabag ay hindi mangangahulugan ng pagpapawalang-sala sa kasunod na mga paglabag. Ang pagpapawalang-sala sa alinman sa mga probisyon ng Kasunduan na ito ay magkakabisa lamang kung malinaw na nakasaad na ito ay dapat ipawalang-sala at kung ito ay ipinaabot sa Watchtower o sa iyo, kaninumang panig ito magmumula, sa pamamagitan ng sulat.
4. TAMA AT MALING PAGGAMIT NG APPLICATION AT/O NG NILALAMAN NG APPLICATION.
Alinsunod sa mga restriksiyon na nakasaad sa ibaba, puwede mong gawin ang sumusunod:
I-view, i-download, at i-print ang mga artwork, elektronikong publikasyon, musika, larawan, text, o video mula sa Application na ito na may copyright ng Watch Tower para sa personal at di-komersiyal na paggamit.
I-share ang mga link o ang elektronikong kopya ng mga nada-download na publikasyon, video, o audio program sa Application na ito.
Hindi mo puwedeng gawin at hindi mo puwedeng hayaang gawin ng mga third party ang sumusunod:
Mag-post sa Internet (sa anumang website, file-sharing site, video-sharing site, o social network) ng artwork, elektronikong publikasyon, mga trademark, musika, larawan, video, o mga artikulo na nasa Application na ito.
Ipamahagi ang mga artwork, elektronikong publikasyon, mga trademark, musika, larawan, text, o video na nasa Application na ito kasama o bilang bahagi ng anumang software application (kasama na ang pag-upload ng gayong mga materyal sa isang server para magamit ng isang software application).
Kopyahin, i-duplicate, ipamahagi, o gamitin para sa sariling pakinabang ang anumang artwork, logo, elektronikong publikasyon, mga trademark, musika, larawan, text, video, o iba pang nilalaman ng Application na ito para sa komersiyal na layunin o para sa pera (kahit na wala kang kikitain).
Gumawa ng kahit anong software application, tool, o technique para mangolekta, kumopya, mag-download, mag-extract, mag-harvest, o mag-scrape ng data, HTML, larawan, o text mula sa Application na ito sa layuning ipamahagi ang mga ito. (Hindi nito ipinagbabawal ang pamamahagi ng mga libre at di-komersiyal na application na dinisenyo para mag-download ng mga elektronikong file gaya ng EPUB, PDF, MP3, at MP4 mula sa mga pampublikong bahagi ng site na ito.)
Maling paggamit ng Application, gaya ng pakikialam sa normal na takbo ng Application o pag-access dito o sa mga serbisyo nito gamit ang isang pamamaraan na hindi kasama sa malinaw na ibinigay sa Kasunduan na ito.
Paggamit ng Application sa anumang paraan na nagdudulot, o posibleng magdulot, ng pinsala sa Application o sa pagiging available o accessible ng Application, o paggamit nito sa anumang paraan na labag sa batas, ilegal, mapandaya, o nakapipinsala, o kaugnay ng anumang layunin o aktibidad na labag sa batas, ilegal, mapandaya, o nakapipinsala.
Paggamit ng Application na ito o alinman sa nilalaman nito, gaya ng artwork, elektronikong mga publikasyon, mga trademark, musika, larawan, text, o video para sa anumang layunin na may kaugnayan sa marketing.
Paggamit sa Application o alinman sa nilalaman nito para sa komersiyal na layunin o para mag-alok na magbenta ng anumang komersiyal na produkto o alinman sa sumusunod: controlled substances; ilegal at kontrabandong droga; mga armas; mga piniratang materyal; mga instruksiyon kung paano gumawa, mag-assemble, o kumuha ng ilegal na mga produkto o armas para pinsalain ang iba; impormasyong ginagamit para labagin ang (mga) copyright, labagin ang (mga) trademark, o sirain ang intellectual property o impormasyon ng iba; impormasyong ginagamit para ilegal na saktan ang sinumang tao o hayop; o pornograpya, kahubaran, escort services, o iba pang nilalamang itinuturing na pang-adulto.
Paggamit ng Application o ng alinman sa nilalaman nito para labagin o hikayatin ang paglabag sa mga legal na karapatan ng iba (halimbawa, maaaring kasama rito ang paggamit ng intellectual property rights ng iba o ang misappropriation nito).
Paggamit ng Application para magpadala o magpakalat ng mga virus, worm, Trojan horse, corrupted na mga file, hoax, o iba pang bagay na mapanira o mapandaya.
Paggamit ng Application para makisangkot sa anumang gawain na base sa itinakda naming pamantayan ay ilegal.
Paggamit ng Application para mag-post, mag-transmit, mag-display, o sa anumang paraan ay gamitin ang Application para sa mga pananalitang malaswa, mapamusong, mapanirang-puri, mapanghamak, mapang-abuso, o may pagbabanta.
Paggamit ng Application o ng nilalaman nito para sa anumang ilegal na layunin, pag-access ng mga data nang walang permiso, paglabag sa karapatan ng iba, paninirang-puri, o pandaraya (halimbawa sa mga ito ang phishing, pagbuo ng pyramid scheme, o paggaya sa isang website).
Paggamit ng Application para mag-generate, mamahagi, maglathala, o makipagtulungan sa pagpapadala ng maramihang unsolicited email, mga promotion, mga advertisement, o iba pang uri ng pagso-solicit (“spam”).
Magsagawa ng anumang aktibidad na base sa aming pamantayan ay nakakahadlang, lumalampas sa seguridad, o nakakapinsala sa (o nagbabanta na makahadlang, makalampas sa seguridad, o makapinsala sa) Application, sa aming operation, o sa kakayahan ng iba na epektibong magamit ang Application.
Ang Watchtower ay hindi mananagot sa maling paggamit mo o sa anumang matatanggap mo na mensahe o iba pa na ilegal, mapang-abuso, may pagbabanta, mapanirang-puri, o nakakasakit bilang resulta ng paggamit mo ng Application.
Bilang user ng Application, dapat mong (i) sundin ang lahat ng pambansa, pang-estado, at lokal na batas, at (ii) sundin ang lahat ng naaangkop na batas sa copyright para sa mga musika, video, laro, larawan, text, at iba pang media kapuwa sa personal na paggamit at sa pag-produce ng elektronikong impormasyon.
5. PAGWAWAKAS NG KASUNDUAN. Mananatiling may bisa ang Kasunduan na ito hanggang sa wakasan mo ito o ng Watchtower. Awtomatikong mawawalan ng bisa ang mga karapatan mo sa ilalim ng Kasunduan kung hindi ka susunod sa alinman sa mga tuntunin o probisyon nito. Maaaring agad na wakasan ng Watchtower ang Kasunduan na ito sa pagitan mo at ng Watchtower at/o ang pahintulot mo na gamitin ang Application, nang walang pasubali, anumang oras at sa anumang dahilan o kahit walang dahilan, nang walang pananagutan o obligasyon sa iyo. Kapag winakasan ang Kasunduan na ito, dapat mong itigil ang paggamit sa Application, i-uninstall ito, at burahin ito mula sa lahat ng device mo o iba pang storage media. Sa anumang kalagayan, hindi mananagot ang Watchtower sa pagwawakas ng Kasunduan o sa pag-disable ng access mo sa Application.
6. MEDIKAL NA IMPORMASYON
Ang nilalaman ng Application na ito na may medikal na impormasyon o mga reperensiya (“Medikal na Impormasyon”) ay para lang sa layuning magbigay ng impormasyon at hindi para magbigay ng payo sa panggagamot, at hindi rin ito pamalit sa propesyonal na payo sa medikal, diagnosis, o panggagamot. Hindi nagrerekomenda ang Medikal na Impormasyon ng anumang test, doktor, produkto, paraan ng panggagamot, opinyon, o iba pa na mababanggit sa Medikal na Impormasyon.
Ang Medikal na Impormasyon ay hindi ginawa, nilayon, o awtorisado para gamitin sa anumang medikal, nagliligtas-buhay, o nagpapanatili-ng-buhay na mga desisyon, sistema, o procedure, o para sa anumang iba pang paggamit o layunin. Laging kumonsulta sa doktor o sa ibang kuwalipikadong health-care provider kapag may tanong ka tungkol sa isang medikal na kondisyon o panggagamot. Ang Application na ito ay walang anumang pananagutan o responsibilidad sa anumang pagkakamali o pag-aalis sa nilalaman ng anumang nasa Medikal na Impormasyon. Pananagutan mo kung gagamitin mo ang anumang impormasyong nasa Medikal na Impormasyon.
7. DISCLAIMER NG MGA WARRANTY. ANG PAGGAMIT MO NG APPLICATION AT NG ANUMANG NILALAMAN NITO AY NASA SARILI MONG PANANAGUTAN. INILAAN ANG APPLICATION NA ITO BATAY SA KUNG ANO ITO (“AS IS”), KUNG ANO ANG MAGAGAMIT (“AS AVAILABLE”), AT KASAMA ANG LAHAT NG DEPEKTO. SA PAMAMAGITAN NITO, ITINATATWA NG WATCHTOWER ANG LAHAT NG WARRANTY, MGA REPRESENTATION, AT MGA KONDISYON, HAYAG MAN ITO, IPINAHIWATIG, O ITINAKDA NG BATAS, KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA, ANUMANG IPINAHIWATIG NA MGA WARRANTY, TUNGKULIN, O KONDISYON PARA MABILI, HINDI PAGLABAG, PAGIGING ANGKOP PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, PAGIGING MAAASAHAN O PAGIGING AVAILABLE, PAGIGING TUMPAK O KUMPLETO, KALIDAD, SAFETY, PAGIGING ANGKOP PARA SA USER, PAGSISIKAP NA MAGING MAAYOS ANG PAGKAKAGAWA, KAWALAN NG VIRUS, KAWALAN NG PAG-IINGAT, O NA GAGANA ANG APPLICATION SA ANUMANG PARTIKULAR NA PARAAN O MAGKAKAROON NG ANUMANG PARTIKULAR NA RESULTA, O ANUMANG IBA PANG BAGAY DAHIL SA O MAY KAUGNAYAN SA PAGGAMIT MO O NG IBANG TAO NG APPLICATION. HINDI GINAGARANTIYA NG WATCHTOWER NA WALANG MAKAKAABALA SA PAGGAMIT MO NG APPLICATION, NA ANG MGA FUNCTION NA NASA APPLICATION, O ANG MGA SERBISYONG ISINASAGAWA O IBINIBIGAY NG APPLICATION, AY TUTUGON SA MGA PANGANGAILANGAN MO, NA ANG TAKBO NG APPLICATION AY TULOY-TULOY O WALANG MAGIGING HADLANG, O ANG APPLICATION AY WALANG MGA DELAY, PAGKAWALA, PAG-ATAKE, PAG-HACK, O IBA PANG BANTA SA SEGURIDAD. HINDI RIN RESPONSABLE ANG WATCHTOWER SA PAGBIBIGAY NG ANUMANG SUPORTA O ANUMANG IBA PANG SERBISYO O SA KABIGUAN NITONG MAGBIGAY NG SUPORTA O ANUMANG IBA PANG SERBISYO NA KAUGNAY NG O MAY KINALAMAN SA APPLICATION. MAY LIKAS NA MGA PANGANIB SA PAGDA-DOWNLOAD AT PAGGAMIT NG ANUMANG SOFTWARE, AT BINABABALAAN KA NG WATCHTOWER NA TIYAKING LUBOS MONG NAUUNAWAAN ANG POSIBLENG MGA PANGANIB BAGO MO I-DOWNLOAD, I-INSTALL, O GAMITIN SA ANUMANG PARAAN ANG APPLICATION. WALANG PANANAGUTAN ANG WATCHTOWER O ANG ANUMANG COOPERATING ENTITY NG WATCHTOWER O SINUMAN SA KANILANG MGA DIREKTOR, OFFICER, BOLUNTARYO, MIYEMBRO, TAGAPAGLISENSYA, SUPPLIER, CONTRACTOR, AHENTE, O KINATAWAN (NA SAMA-SAMANG TINATAWAG NA “WATCHTOWER PARTIES”) PARA SA ANUMANG PINSALANG MAAARING MARANASAN MO O NG ANUMANG THIRD PARTY NA MAY KAUGNAYAN SA O MAY KINALAMAN SA PAGDA-DOWNLOAD MO, PAG-I-INSTALL, PAG-A-UNINSTALL, PAGBABAGO, O PAGGAMIT SA ANUMANG PARAAN NG APPLICATION O ANUMANG NILALAMAN NG APPLICATION.
8. LIMITASYON NG PANANAGUTAN. SA ANUMANG KALAGAYAN, HINDI MANANAGOT ANG WATCHTOWER O ANG SINUMAN NA KABILANG SA WATCHTOWER PARTIES PARA SA ANUMANG ESPESYAL, HINDI SINASADYA, DI-TUWIRAN, PAGKAWALA, O ANUMANG PARUSANG PINSALA, (KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA, PAGKALUGI, PAGKAWALA NG DATA, NEGOSYO O GOODWILL, O ANUMANG INAASAHANG PAGKALUGI, INAASAHANG PAGKAWALA NG NEGOSYO O GOODWILL, PAGKAWALA NG KOMPIDENSIYAL O IBA PANG IMPORMASYON, PANSAMANTALANG PAGHINTO NG NEGOSYO, HINDI PAGTUPAD SA ANUMANG TUNGKULIN KASAMA NA ANG HINDI PAGTUPAD NANG MAY MABUTING LOOB O MAY MAKATUWIRANG PAG-IINGAT, SA KAPABAYAAN, AT SA ANUMANG IBA PANG PAGKALUGI SA PINANSIYAL O ANUMANG PAGKAWALA) NA NAGMUMULA SA O MAY KAUGNAYAN SA IYONG PAGGAMIT NG APPLICATION AT/O NG NILALAMAN NG APPLICATION (O ANG IYONG KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG APPLICATION AT/O ANG ANUMANG NILALAMAN NG APPLICATION) O SA ANUMANG PARAANG MAY KAUGNAYAN SA KASUNDUAN NA ITO. GAYUNMAN, ANUMANG PINSALA ANG MARANASAN MO MAY KAUGNAYAN SA APPLICATION (KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA, ANUMAN SA MGA PINSALANG BINANGGIT DITO), ANG KABUOANG PANANAGUTAN SA IYO NG WATCHTOWER PARTIES, AT ANG IYONG TANGING MATATANGGAP SA ILALIM NG KASUNDUAN NA ITO, AY HANGGANG SA ISANG LIBONG DOLYAR ($1000 U.S.). IIRAL PA RIN ANG PROBISYONG ITO NG LIMITASYON NG PANANAGUTAN KAHIT PA MAPATUNAYANG HINDI EPEKTIBO ANG IBANG PROBISYON NG KASUNDUAN NA ITO. KUNG NAKATIRA KA SA “MGA ITINAKDANG BANSA,” ANG LIMITASYON NG PANANAGUTAN SA ILALIM NG CLAUSE 8 NA ITO AY HINDI SASAKLAW SA (a) MGA PINSALANG DIREKTANG IDINULOT NG MATINDING KAPABAYAAN O SINASADYANG MALING PAGKILOS NG WATCHTOWER AT/O (b) MGA PINSALA SA BUHAY, KATAWAN, O KALUSUGAN.
9. BAYAD-PINSALA. Babayaran mo, ipagtatanggol, at hindi hahayaang mapahamak ang Watchtower at ang bawat isa na kabilang sa Watchtower Parties laban sa anuman at lahat ng pag-aangkin, aksiyon, demanda, at reklamo at sa anuman at lahat ng mga pagkalugi, pananagutan, pinsala, gastusin, at mga gastos na idudulot nito, kasama na ang, pero hindi limitado sa, makatuwirang bayad sa at nagastos ng abogado, na naging resulta kaugnay ng o may kaugnayan sa paggamit mo ng Application at/o ng anumang nilalamang nasa Application, kasama na ang, pero hindi limitado sa, (a) paglabag mo sa Kasunduan na ito, kabilang na ang paggamit mo ng Application sa anumang paraan na hindi hayagang pinapahintulutan sa ilalim nito, (b) ang iyong kapabayaan o maling paggawi, (c) ang paglabag mo sa anumang batas o regulasyon, (d) anumang mga representation at warranty na ginawa mo hinggil sa anumang aspekto ng Application at/o ng nilalaman ng Application, (e) anumang pag-aangkin may kinalaman sa mga ginawa o hindi ginawa ng sinumang third party kaugnay ng Application at/o ng nilalaman ng Application, o (f) anumang pag-aangkin na ginawa ng o sa ngalan ng sinumang third party may kinalaman sa tuwiran o di-tuwirang paggamit mo ng Application at/o ng nilalaman ng Application.
10. PAHINTULOT SA PAGGAMIT NG NILALAMAN AT PAGBABAYAD-PINSALA. Malinaw mong pinatutunayan at ginagarantiyahan na may karapatan ka at/o pahintulot na i-post ang alinman at lahat ng Nilalaman (gaya ng tinutukoy sa ibaba) na inilagay mo sa Application. Ang “Nilalaman” ay tumutukoy sa alinman at lahat ng impormasyong ibinigay mo kaugnay ng paggamit mo ng Application, kasama na ang, pero hindi limitado sa, impormasyon, nilalaman, data, mensahe, text, file, larawan, video, sound, iba pang materyal, at anupamang katulad ng mga ito. Pinatutunayan at ginagarantiyahan mo na ang Nilalaman na ibinigay mo at ang paggamit namin sa mga iyon ay hindi lalabag o mag-aangkin nang di-wasto sa anumang patent, copyright, trademark, trade secret, o iba pang intellectual property right ng anumang third party.
Ipinagkakaloob mo sa amin ang isang permanente, hindi-mababawi, pandaigdigan, di-eksklusibo, at walang-bayad na karapatan at pahintulot para gamitin, i-host, i-store, baguhin, kopyahin, ipamahagi, iparating, ilathala, i-transmit, ipakita sa publiko, paramihin, i-edit, i-translate, at i-reformat ang gayong Nilalaman at para lumikha ng bagong mga gawa mula sa gayong Nilalaman. Sumasang-ayon kang ipagtanggol kami at ang sinuman na kabilang sa Watchtower Parties sa sarili mong gastos at gastusin laban sa lahat ng aksiyon, demanda, at iba pang paglilitis ng isang partido laban sa sinuman na kabilang sa Watchtower Parties na nagsasaad ng paglabag sa anumang patent, copyright, trademark, trade secret, o iba pang karapatan o paglabag sa anumang license o iba pang intellectual property right, batay sa Nilalaman na ibinigay mo; at sumasang-ayon ka na bayaran ang danyos at na hindi mo hahayaang mapahamak ang Watchtower Parties mula at laban sa lahat ng hatol, pagkalugi, pananagutan, pinsala, gastos, at gastusin (kasama na ang, pero hindi limitado sa, makatuwirang bayad sa at nagastos ng abogado) na nagmumula sa o natamo kaugnay ng gayong paglabag. Nauunawaan mo na ikaw lamang ang ganap na responsable sa lahat ng Nilalaman na inilagay mo sa, ipinadala sa pamamagitan ng, o ini-link mula sa Application. Kinikilala mo na hindi namin patiunang sinusuri o inaaprubahan ang Nilalaman, pero magkakaroon kami ng karapatan (ngunit hindi ng obligasyon) ayon sa sarili naming pagpapasiya na tanggihan, burahin, o ilipat ang anumang Nilalaman na lumalabag sa Kasunduan na ito o dahil sa anumang iba pang dahilan.
11. PAG-E-EXPORT. Hindi mo puwedeng gamitin o i-export o muling i-export ang Application o alinman sa nilalaman nito maliban kung pinapahintulutan ito ng batas ng United States at ng mga batas ng hurisdiksiyon kung saan nakuha ang Application. Partikular na (pero hindi limitado), ang Application ay hindi puwedeng i-export o muling i-export (a) papunta sa alinmang bansang naka-ban sa U.S. o (b) sa sinumang nasa U.S. Treasury Department’s Specially Designated Nationals List o nasa U.S. Department of Commerce Denied Persons List o Entity List. Sumasang-ayon ka rin na hindi mo gagamitin ang Application para sa anumang layunin na ipinagbabawal ng batas.
12. PRIVACY. Ang mga kasunduan na kumokontrol sa paghawak ng personal na impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan mo at sa iba pang impormasyong isinumite mo kaugnay ng Application ay inilalarawan sa Privacy Policy ng Application na ito.
13. NAMAMAYANING BATAS; TAMANG PANAHON NG PAGSUSUMITE NG REKLAMO. Ang Kasunduan na ito ay pamamahalaan at ipaliliwanag alinsunod sa mga batas ng Estado ng New York (hindi kasama ang mga prinsipyo ng New York sa pagpili ng naaangkop na batas) at lahat ng reklamo na nagmumula sa o may kaugnayan sa Kasunduan na ito, o sa paglabag dito, maging iyon man ay batay sa kontrata, tort o iba pa, ay pamamahalaan din ng mga batas ng Estado ng New York (hindi kasama ang mga prinsipyo ng New York sa pagpili ng naaangkop na batas). Kung nakatira ka sa “Mga Itinakdang Bansa,” maaari mo ring piliin ang namamayaning batas at mga hukuman ng bansang tinitirhan mo bilang ang batas na iiral sa anumang alitang nagmumula sa o may kaugnayan sa mga kasunduang ito. Partikular na hindi saklaw sa Kasunduan na ito ang batas na kilala bilang United Nations Convention on the International Sale of Goods. SUMASANG-AYON KA NA ANUMANG BATAS O KAUTUSAN NA SALUNGAT DITO, ANUMANG REKLAMO, DEMANDA, O AKSIYON NA MAAARING ISAMPA MO LABAN SA SINUMAN NA KABILANG SA WATCHTOWER PARTIES DAHIL SA O MAY KAUGNAYAN SA KASUNDUAN NA ITO AY DAPAT MAISAMPA SA LOOB NG ANIM (6) NA BUWAN PAGKATAPOS NG PETSA KUNG KAILAN NAGANAP, O IPINAGBIBINTANG NA NAGANAP, ANG PANGYAYARING PINAGMULAN NG GAYONG REKLAMO.
14. IBA PANG PROBISYON. Ang Kasunduan na ito, ang Privacy Policy para sa App, at ang Mga Attribution at anumang iba pang nakasulat na tagubiling may kaugnayan sa Application na ibinigay ng Watchtower ay ang mismong kabuoang kasunduan sa pagitan mo at ng Watchtower may kinalaman sa Application, at pinapalitan nito ang lahat ng nauna o kasabay na sinabi o isinulat na komunikasyon, panukala, at mga representation na may kinalaman sa Application o sa anumang iba pang paksa na saklaw ng Kasunduan na ito. Hindi mananagot ang Watchtower sa Kasunduan na ito kung ang pagtupad nito ay naantala o nahadlangan dahil sa makatuwirang mga bagay na hindi nito kontrolado. Kung ang anumang probisyon ng Kasunduan na ito ay mapagpasiyahang walang-bisa, di-wasto, hindi maipatutupad, o ilegal, ang lahat ng iba pang probisyon ng Kasunduan na ito ay mananatiling may bisa at may epekto. Puwedeng ipasa o kung hindi man ay ilipat ng Watchtower ang Kasunduan na ito sa alinman sa mga cooperating entity. Ang kabiguan ng Watchtower na hilingin sa iyong sundin ang alinmang probisyon ng Kasunduan na ito sa anumang panahon ay hindi sa anumang paraan makaaapekto sa karapatan ng Watchtower na ipatupad ang gayong mga probisyon, pati na ang pagpapawalang-bisa ng Watchtower sa anumang paglabag sa alinmang probisyon ng Kasunduan na ito ay hindi ituturing na pagpapawalang-bisa sa anumang karagdagang paglabag sa parehong probisyon.

